Nakakakilig na duet nina Maris Racal at “Rivermaya” vocalist na si Rico Blanco, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens!

Umani ng samu’t saring reaksyon at espekulasyon ang Instagram post ng actress-singer na si Maris Racal kung saan ay binati niya ng maligayang kaarawan ang bokalista ng Rivermaya na si Rico Blanco.

Credit: @mariesteller Instagram

Sa Instagram post din ng 23 taong gulang na actress-singer, ibinahagi niya ang isang video kung saan mapapanood ang nakakakilig na pagdu-duet nila ni Rico sa kantang “Brighter Than Sunshine” ng bandang Aqualung.

Kapansin-pansin sa video ang pagiging malapit sa isa’t isa ng dalawa at ang kanilang tila may kahulugan na tinginan habang kinakanta nila ang kanta.

Makikita rin ang closeness nila matapos tila pahapyaw na humilig si Maris kay Rico. Pagkatapos din ng kanilang duet ay nag-fist bump sina Maris at Rico.

Maiksi lamang ang naging caption ni Maris sa kanyang Instagram post.

Credit: @mariesteller Instagram

Aniya, “hi rico. happy birthday”.

Mistulang isang apoy naman na kumalat ang espekulasyon na may “something” sa pagitan ng dalawa matapos magkomento ng “love you” si Rico sa post ni Maris.

Ilang showbiz personalities din ang nagkomento sa nakaka-intrigang post ni Maris.

Sabi ng direktor na si Antoinette Jadaone, “Akala ko may kiss sa dulo ihhhhh”

Ani Bianca Gonzales, “Aaaaw. Cute niyo. Happy birthday Rico!!!”

Credit: @mariesteller Instagram

Ang ibang artista naman tulad nina Maja Salvador, Marco Gumabao at Awra ay nag-iwan ng “heart” emoji sa comment section ng post ni Maris.

Nagwala rin ang mga netizen sa comment section at kinilig sa hindi maitagong “chemistry” umano nina Maris at Rico.

Sa katunayan, napansin pa ng marami na hindi gumamit ng “Kuya” si Maris nang batiin niya si Rico na nagdiriwang ng kanyang 48th birthday ngayong araw, March 17.

Credit: @mariesteller Instagram

Kaya naman anila, parang may “something” sa pagitan nina Maris at Rico. Komento ng netizens:

“Bat parang may chemistry hahahaha”

“omg. bat kinilig ako”

“Para kayong mag-jowa”

Credit: @mariesteller Instagram

“Ayyy Rico na lang? Hindi na kuya? Omg Maris”

“Bat parang may something”

Samantala, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na masugid na tagahanga ni Rico si Maris.

Noong 2019 nga ay natupad ang pinapangarap na collaboration ni Maris kasama si Rico na talaga namang iniidolo niya pagdating sa pagkanta matapos nilang kantahin ang kantang “Abot Langit”.

Credit: @mariesteller Instagram

Kabilang din si Maris sa maraming recording artist na mina-manage ni Rico sa ilalim ng kanyang recording company na “Balcony Entertainment”.

Sa kasalukuyan ay parehong single sina Maris at Rico at mukhang inaabangan na ng lahat ang pahayag nilang dalawa tungkol sa tunay nilang relasyon.

Si Maris ay sumikat matapos siyang sumali sa reality show na “Pinoy Big Brother: All In” noong 2014.