Nakakatawang reaksyon ni Chiz Escudero habang nagsha-shopping si Heart Evangelista, patok sa netizens!

Palagi man na nakikita sa telebisyon, curious pa rin ang karamihan sa mga kaganapan sa buhay ng celebrities kapag nasa likod na ng kamera kaya naman kapag ipinapasilip ang iilang moments kasama ang mahal nila sa buhay, talagang bentang-benta ito sa netizens!

Credit: @iamhearte Instagram

Noon pa man, pamilyar na talaga ang pangalan ni Heart Evangelista sa industriya ng showbiz. Hindi lamang sa larangan ng pag-arte kung hindi ay pati na sa mundo ng pagmo-modelo kung saan ay hindi niya kailanman binigo ang kanyang fans kung ang pagiging elegante at classy lang naman ang pag-uusapan.

Hindi na naman lingid pa sa netizens ang pagiging mahilig ni Heart sa mga mamahalin na bagay at mapapansin naman ito sa paraan ng kanyang pananamit dahil mula ulo hanggang paa ay nagsusumigaw ng salitang “luxury”. Dahil dito, suki na ang aktres sa iba’t-ibang boutique at kumakailan lamang nang muling nagpunta sa isang store si Heart kasama ang kanyang asawa na si Chiz Escudero.

Credit: @iamhearte Instagram

Nito lamang nang nagbahagi ng isang video ang aktres sa kanyang Instagram account kung saan ay mapapanood silang nagsho-shop sa isang store at abala si Heart sa pagtitingin sa mamahalin at naggagandahang gamit ngunit sa kabila ng pagliliwaliw ng aktres, biglang tinakpan ni Governor Chiz ang kanyang mga mata na para ba siyang pinipigilan na maakit sa mga naka-display na items.

“Pikit,” sulat ni Heart sa kanyang caption.

Kahit na’y isa lamang itong nakakatuwang moment ng mag-asawa sa kalagitnaan ng kanilang pagsho-shopping, grabe naman ang impact nito sa kanilang fans.

Sa isa namang post na ibinahagi ni Heart sa Instagram, makikitang may katawagan umano siya mula sa isang mamahaling brand na Gucci upang i-confirm ang kanyang purchase na nagkakahalaga ng $11 000 at dahil naka-loudspeak ito, kaagad niyang naagaw ang atensyon ng asawa na katabi lamang niya at abala sa kanyang cellphone.

Credit: @iamhearte Instagram

Kunot-noo namang nakatingin si Chiz sa aktres at laglag ang panga habang patuloy na nakikinig sa sinasabi ng babaeng nasa kabilang linya ng cellphone ni Heart. Hindi man narinig ang sinabi ni Chiz, may isa namang netizen sa comment section na nakabasa sa labi ni Chiz: “San ka nagshopping? Ano yan? Ano yan?”

Labis naman ang hatid na katatawanan ng couple sa netizens dahil inulan lang naman ng sari-saring komento ang mismong post ng aktres. Iilan lamang ito sa kanilang comments:

Credit: @iamhearte Instagram

“that jawdrop when he heard “$11,000 was charged to your account” 😂😂😂😂😂”

“😂😂😂😂😂 super cute reaction sir chiz😅”

“Lagoooot ka!!! Hihi… Love his reaction.. 😍😍😍. Love you both”

Credit: @iamhearte Instagram

Talagang kakaiba ang kasiyahang hatid ni Heart at Chiz!