Nakatatandang kapatid nila Ivana Alawi na si Amira, nakasama na at nakita na sa wakas sa vlog ni Ivana

Bibihira lamang na makitang kumpleto ang magkakapatid na Alawi kaya nang naging kumpleto, labis na lamang itong ikinatuwa ng fans ni Ivana dahil nakilala na rin nila ang nakakatandang kapatid nila na si Amira.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Lingid sa kaalaman ng karamihan, apat palang magkakapatid sina Ivana pero dahil ang mga nakababatang kapatid na sina Hash at Mona lamang ang madalas na nakikitang kasama niya sa kanyang mga vlog, laking gulat na lamang ang katotohanang ito para sa karamihan.

Kumakailan lamang nang nagbahagi si Ivana ng vlog na pinamagatan niyang, “A DAY WITH US! *NEW HAIR*” kung saan ay mapapanood ang naging bonding ng kanilang pamilya.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nagpunta ang pamilyang Alawi sa paboritong salon ni Ivana upang magpaganda at magpaayos ng buhok. Maliban sa kanyang Mommy at mga nakababatang kapatid na madalas nakakasama ng aktres, present din ang kanyang Ate Amira.

May matching na Denim outfit, napakaganda naman talagang tingnan ng dalawang nakakatanda sa magkakapatid na Alawi.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Bagama’t sumang-ayon man na sumali sa vlog ni Ivana, mapapansin pa rin ang pagiging pagkamahiyain ni Amira kaya palagi siyang kinukulit ng kapatid.

“Mahiyain siya, guys pero ngayon pumapayag na siyang sumama,” ayon kay Ivana.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Likas talagang mahiyain ang kapatid nina Ivana kaya labis na lamang ang sayang naramdaman niya nang sa wakas ay pumayag na itong sumali sa kanyang vlog.

Nagustuhan naman ng netizens ang bagong look ni Mona dahil napaka-cute niya sa kanyang bangs.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Of course, hindi rin nagpahuli si Ivana. Inspired kay Lisa sa sikat na grupong Blackpink, ipinagupit ng vlogger ang kanyang mahaba-haba ng buhok.

“First time ko magpapaiksi ng hair. Wala lang. Gusto ko lang ng something different. Hindi naman ako brokenhearted or what pero idol ko si Lisa kaya gagayahin ko ‘yung hair niya. Ang ganda,” pahayag ni Ivana.

Bagets na bagets rin ang kapatid ni Ivana na si Amira sa bago nitong look lalo na’t katulad ni Mona, may bangs rin siya!

Nang nakauwi galing sa pinuntahang salon, muling nagkaroon ng bonding ang pamilyang Alawi sa may pool ng kanilang bahay kung saan ay nag-enjoy sila habang kumakain ng barbecue at steak.

Credit: Ivana Alawi YouTube

“So, this is our Ate Amira! Marami sa inyo ang naghahanap sa kanya. Kasi mahiyain talaga siya pero she’s beautiful and smart… and single,” pagpapakilala ni Ivana sa kapatid.

“To all the single moms out there, stay strong. It’s not always easy, especially by yourself but you can just prove to your son and just set a good example, and inspire other moms,” mensahe ni Amira sa kapwa niya single moms.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Marami rin ang naka-appreciate sa closeness ng magkakapatid. Napakaganda namang pamilya!