Nakatatawang reaksyon ni Paolo Contis matapos hindi makapanuod ng NBA Finals, patok sa social media

Viral ngayon sa social media ang larawang ipinost ni Kapuso actor Paolo Contis dahil sa nakakatawang reaksyong ipinakita nito nang hindi siya nakapanood ng NBA Finals dahil sa kanyang anak na si Baby Summer.

Credit: Paolo Contis Instagram     

Inaabangan talaga ng lahat ng Pinoy ang basketball game kung saan maghaharap ang koponan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat para sa 2020 NBA Finals. Ngunit dahil sa kagustuhan ni Baby Summer na mapanood din ang paborito niyang cartoon movie na “Frozen”, kaya hindi nagawang manuod ni Paolo ng nasabing basketball game.

Credit: Paolo Contis Instagram

Caption ng post ni Paolo, “Game 1 ng NBA Finals..!! 🏀🏆 pero FROZEN ang pinapanood koooo!!! 😳😳😳”

Makikita sa larawan ang tila na-Frozen din na mukha ni Paolo. Sa halip kasi na ang mainit na paghaharap ng dalawang magagaling na NBA team ang pinapanood ay Frozen ang tinutukan niya.

Kitang-kita rin sa larawan ang napakacute at waging-waging reaksyon ni Baby Summer dahil nasunod ang kanyang kagustuhan na manuod ng cartoon.

Credit: Paolo Contis Instagram

Sa katunayan, umani pa ito ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens:

“tawa tawa c summer natalo nia papa nia”

“Hahaha tuwang tuwa si summer habang yung daddy paolo nya walang choice kundi panuorin nadin yung frozen”

Credit: Paolo Contis Instagram

“look at the priceless smile sir Paolo Contis”

“ang sarap ng tawa ni Summer ka cute talaga”

Mukhang hindi naman nag-iisa si Paolo dahil maraming mga tatay din ang hindi nakapanood ng NBA Finals dahil sa kanilang mga chikiting.

Credit: Paolo Contis Instagram

Sa comment section ng post, bumaha ang mga sentimento ng mga tatay na nakaka-relate sa sitwasyon ng komedyante. Komento ng netizens:

“I feel you lods ganyan din na experience ko 5 times a day Frozen…kabisado ko na yung lyrics ng kanta at napapakanta na rin ako habang nanonood”

“same here wala akong magawa kung hindi manood din ng nursery rhymes”

Credit: Paolo Contis Instagram

“sana all nakakapanuod ngayon ng NBA Finals baka abang nalang ng replay mamaya. Cocomelon muna ngayon, COCOMELON LANG MALAKAS”

Si Summer Ayanna ay ang unang anak nina Paolo Contis at LJ Reyes. Nitong January 4 lamang ay ipinagdiwang nina Paolo at LJ ang unang kaarawan ni Baby Summer.