“Napakabait lang talaga”: Chito Miranda, pinuri ang kabaitan ni Angel Locsin

Isa si Angel sa mga kilalang aktres sa mundo ng showbiz. Sa industriyang kinabibilangan ay napakarami na niyang nakahalubilo at naging kaibigan. Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming kaibigan ay hindi siya nakakalimot sa mga ito.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Simula nang nagkap@ndemya ay naging busy si Angel sa mga philanthropic na aktibidad habang wala pa siyang pinagkakaabalahan sa showbiz. Inilaan niya ang halos buong oras sa pagtulong sa mga kababayan na labis na naapektuhan ng p@ndemya at ibinuhos ang dedikasyon sa pagbibigay tulong sa mga frontliners. Kahit busy man ay hindi pa rin nakakalimot si Angel sa pangagamusta sa mga kaibigan.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Kilalang magkaibigan ang vocalist ng bandang “Parokya ni Edgar” na si Chito Miranda at si Angel Locsin. Sa pagbabadyang pagput0k ng bulkang Taal lalo na nang ibalita na hindi pa masasabing ligtas ang mga lugar malapit sa bulkan ay nag-alala si Angel para sa kaligtasan ng kaibigan na si Chito pati ng pamilya nito na kasalukuyang naninirahan sa Alfonso, Cavite.

Credit: @chitomirandajr Instagram

Hindi naman mapigilan ni Chito ang sarili sa pagpuri sa kabaitang ipinakita ng kaibigan na si Angel matapos nag-offer ang aktres ng kwarto sa kanyang bahay na pansamantalang titirhan ni Chito at ng kanyang pamilya dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

July 2 nang ibinahagi ng Parokya ni Edgar vocalist sa kanyang Instagram account ang screenshot ng pag-uusap nila ni Angel kung saan ay makikita ang paghandog ng aktres ng matitirhan nila pansamantala.

Credit: @chitomirandajr Instagram

“Chito! May kwarto kayo dito nila neri at miggy at kung sino pa kasama nyo sa house ha? Anytime pwede kayo dito,” mensahe ni Angel kay Chito.

Malaki naman ang pagpapasalamat ni Chito sa kaibigan dahil sa pag-aalala nito pero maayos na tumanggi ang “Parokya ni Edgar” vocalist dahil “oks (okay)” lamang sila ng kanyang pamilya sa resthouse na kasalukuyan nilang pinamamalagian.

Credit: @chitomirandajr Instagram

“Napakabait lang talaga nitong tao na ‘to. Mula dati, hanggang ngayon… sobra talaga (black heart emoji),”pahayag ni Chito sa kanyang caption.

Nagkomento naman ang aktres sa post ni Chito at tinanong kung bored ba ang kaibigan.

“Bored ka tsong???😂”

Credit: @therealangellocsin Instagram

Nagkomento rin si Neil Arce, ang fiancé ni Angel Locsin sa mismong post at sinabing hindi umano libre ang offer na bahay ng aktres.

“Hindi libre yan kelangan daw kanta ka gabi gabi,” pagbibiro ni Neil.

Ibinahagi rin ni Chito ang screenshot ng conversation nila ni Angel sa kanyang Facebook na umabot ng 217K likes at reactions at mahigit 1,700 shares.