Napakacute na anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo, umani ng paghanga dahil sa kanyang pagiging sweet at malambing sa kanyang kapatid na si baby Koa!

Isang biyayang maituturing ng lahat ang mga bata. Sa kanilang masayahin at inosenteng personalidad ay nagbibigay sila sa atin ng labis na kaligayahan.

Credit: @andieigengirl Instagram

Gaya na lang ng napakacute at napakabibong anak ng dating aktres na si Andi Eigenmann at ng kanyang partner na si Philmar Alipayo na si Lilo.

Tulad ng ibang bata ay palaging good vibes at kaligayahan ang hatid ni Lilo. Noong nakaraang taon naman ay naging ganap na ate si Lilo matapos isilang ni Andi ang kanyang bunsong kapatid na si Baby Koa.

Credit: @andieigengirl Instagram

Kamakailan ay ipinakita naman ni Andi sa kanyang Instagram kung gaano ka lambing at ka-sweet si Lilo bilang isang ate kay Baby Koa.

Makikita sa larawang ipinost ni Andi sa kanyang Instagram ang malambing na pagyakap ni Lilo kay Baby Koa. Kitang-kita ang pagiging sweet na kapatid ni Lilo sa mga larawan dahil halos ayaw na niyang tigilan ang pagyakap kay Baby Koa na mayroon lamang cute na cute na reaksyon.

Credit: @andieigengirl Instagram

Ayon naman kay Andi, si Lilo ay tulad lamang din umano ng kanyang nakakatandang kapatid na si Ellie na sobrang sweet at napakalambing din na kapatid. Madalas din daw paliguan ni Lilo si Baby Koa ng mga yakap at mga halik! Napaka-sweet!

Ani Andi, “Morning cuddles from Lilo! Much like Ellie, Lilo also seems to enjoy being a big sis. She just loves loves showering her little brother with lots of hugs and kisses!”

Credit: @andieigengirl Instagram

Nagbiro naman si Andi at sinabing hindi siya sigurado if nag-eenjoy si Baby Koa sa pagyakap at paghalik sa kanya ng kanyang Ate Lilo.

Credit: @andieigengirl Instagram

Ani Andi, “Not quite sure if Koa enjoys it but he doesn’t have much of a choice right now.”

Samantala, malaking papel naman ang ginagampanan ni Andi kung bakit lumaking sobrang malapit at sweet sa isa’t isa ang kanyang tatlong mga anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.

Credit: @andieigengirl Instagram

Bilang isang ina ay napaka-hands on ni Andi sa kanyang tatlong anak. Kaya naman ang makita ang mga ito na sobrang malapit at binabantayan ang isa’t isa ay naghahatid ng labis-labis na kaligayahan sa kanya.