Sa edad na 5, ay marami-rami na rin ang bansang napuntahan ng napakagandang anak ng mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow.

Mahilig mag-travel abroad ang mga magulang ni Scarlet kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit maraming bansa na ang kanyang napuntahan.
At ang pinakabagong bansa na napuntahan naman ni Scarlet ay ang bansang Kenya na nasa silangang bahagi ng Africa.

Bago magtapos ang taong 2020, bumiyahe ang buong pamilya ni Scarlet patungong Kenya upang doon salubungin ang bagong taon. Nagtungo sila Scarlet sa isang sikat na wildlife conservatory area sa Kenya na Masai Mara.
Bilang isang bata ay hindi maitago ni Scarlet ang kanyang pagkasabik habang tinitingnan ang iba’t ibang klase ng African wild animals.

Sa katunayan, sa isang video ay mistulang nagre-report sa isang Science class si Scarlet habang ini-introduce ang mga wild animal na makikita sa Masai Mara tulad ng giraffe, buffalo, zebra at antelope.
View this post on Instagram
“Hi, peoples. Even the animals here in Masai Mara are having a reunion for the New Year. I know we can’t gather together yet but we can all call each other, right?”, caption ng video ni Scarlet.
Sa isa pang video, masaya namang ibinahagi ni Scarlet na sa kanilang ikalawang araw na pamamalagi sa Kenya ay nakita na niya ang sikat na “Big Five” African wildlife species.

Ang tinutukoy na “Big Five” ni Scarlet ay ang African leopard, African lion, Cape buffalo, African elephant, at rhinoceros.
“It’s our second day here in Kenya so far I’ve seen that “Big Five”. Now making my list of the “Cute 10”.
View this post on Instagram
Sa kanilang bakasyon din ay naranasan ni Scarlet na matulog sa Savannah na parang isang batang leon.
“I’ve always wanted to know what it feels like to sleep in the savannah like a cub. I loved it. Sunset is the best time,” caption ng litrato ni Scarlet habang natutulog sa Savannah.

Makikita naman sa Instagram account nina Vicki at Hayden ang ilan sa kanilang sweet bonding moments sa Kenya. Tila walang kupas ang ka-sweetan ng mag-asawa na kapansin-pansin sa kanilang mga larawan.
View this post on Instagram

Matatandaang taong 2005 nang unang magkakilala sina Vicki at Hayden. Noong 2017 naman ay naganap ang kanilang kasal na dinaluhan ng mga bigating personalidad.