Napakagandang panganay na anak ni Bangs Garcia, nagdiwang ng kanyang ika-3 kaarawan sa isang sikat na amusement park sa United Kingdom

Isa sa mga okasyon na inaasahan ng mga bata bawat taon ay ang pagdiriwang ng kanilang kaarawan. Para sa isang bata, ang kanilang kaarawan ay nangangahulugang pagbubukas ng kanilang mga regalo, paghihip sa kanilang birthday candle, at paglalaro kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore    

Mahalaga rin para sa mga magulang na mabigyan ng birthday celebration ang kanilang mga anak kahit sa kanilang simpleng paraan lamang upang maiparamdam sa kanila ang kanilang pagmamahal. Katulad na lamang ng aktres na si Bangs Garcia at ang kanyang Filipino-British husband na si Lloydi Birchmore na ginawang espesyal ang pagdiriwang ng ika-3 kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Amelia.

Mapapanood sa YouTube channel ni Bangs kung paano nila ipinagdiwang ang kaarawan ni Amelia.
Una munang sinurpresa nina Bangs at Lloydi si Amelia ng maraming regalong laruan.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore

Mababakas sa mukha ni Amelia ang excitement habang isa-isang binubuksan ang kanyang mga regalo.

Bukod sa mga laruan ay nakatanggap din si Amelia ng isang napakagandang unicorn-inspired dress mula sa kanyang mga magulang.

Malawak naman ang ngiti ni Amelia habang kinakantahan siya ng “Happy Birthday” song nina Bangs at Lloydi.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore

Pagkatapos ay nagkaroon muna ng maikling photo shoot si Amelia suot ang kanyang bagong dress.
Litaw na litaw ang ganda at maputing kutis ni Amelia sa kanyang dress.

Sunod namang nagtungo sa isang amusement park ang pamilyang Birchmore kung saan ay sumakay sila ng iba’t ibang rides.

Ang pinuntahan nila ay ang sikat na amusement park sa United Kingdom na Paultons Park Home of Peppa Pig World.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore

Paborito ni Amelia ang sikat na children show na Peppa Pig kaya naman abot langit ang kanyang tuwa habang nakikita ang mga paborito niyang karakter mula sa show.

Sa pagtatapos ng vlog ay makikita si Amelia na tila napagod sa kakalaro at pagsakay ng mga ride.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore

Hindi naman maiwasan ni Bangs na maging sentimental sa mabilis na paglaki ng kanyang panganay.
Sa deskripsyon ng vlog, sinabi ni Bangs na parang kahapon lamang umano nang una niyang nahawakan si Amelia sa ospital at ngayon nga ay tatlong taong gulang na ito.

Ani Bangs, “It seems like only yesterday when I was holding Amelia for the first time in the hospital and now she’s 3 years old.”

Credit: Valerie Garcia-Birchmore

Si Bangs at Lloydi ay ikinasal sa Boracay noong 2017. Bago ang kanilang beach wedding ay una silang nagpakasal sa London sa isang civil wedding.

Nitong July 21 ay isinilang ni Bangs ang bunsong anak nila ni Lloydi na si Isabella.