Napakagandang underwater photos nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, nagpakilig sa mga netizen

Walang duda na saksi ang dagat sa lalim ng pagmamahalan ng magkasintahang Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Kamakailan ay inanunsyo nina Andi at Philmar sa kanilang vlog na engaged na sila.
Bago matapos ang taong 2020 ay nag-propose si Philmar kay Andi. Nangyari ang proposal ni Philmar kay Andi habang nagbabakasyon silang magpamilya sa Anilao, Batangas.

Credit: Andi Eigenmann Instagram  

Ibinahagi naman ni Andi sa kanyang Instagram ang ilang sweet photos nila ni Philmar na kinunan ilang oras matapos mag-propose si Philmar.

Makapigil-hininga ang ganda ng mga litrato nina Andi at Philmar habang nasa ilalim ng tubig. Hindi tuloy maiwasan ng maraming netizens na kiligin at mapa-sana all sa mga sweet underwater photo nina Andi at Philmar.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Hindi halata ngunit ayon kay Andi, biglaan lamang umano ang naging pictorial nila ni Philmar sa ilalim ng dagat. Gayunpaman, lumabas na ‘perfect’ ang naging pictorial nila.
Inilarawan ni Andi bilang ‘magical’ ang mga underwater photo nila ni Philmar.

“Such breathtaking photos from that perfect afternoon! So happy we got to do this impromptu photosho0t in the ocean. Thank you so much once again, @pernillasjoo for taking the time to take these magical sh0ts for us,” ani Andi sa caption ng kanyang post.

Sa isang hiwalay na post, nag-ala sirena si Andi habang nakakapit kay Philmar.

Makabuluhan naman ang isinulat ni Andi na caption sa litrato nila ni Philmar.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Ani Andi, “The love we were promised in fairytales was never something for us to find. It has always been something for us to create.”

Tila nahanap na ni Andi sa katauhan ni Philmar ang kanyang prince charming na tanging sa isang fairy tale lamang natatagpuan.

At ang kanilang “Happy Islander” family nga ay muling madadagdagan sa pagdating ng ikalawang anak nila.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Ngayong taon na inaasahang ipapanganak ni Andi ang ikalawang anak nila ni Philmar. Matatandaang August 2020 nang ibinalita ni Andi na buntis siya sa ikalawang anak nila ni Philmar.

Base sa Instagram update ni Andi, 36 linggo na siyang buntis. Wala namang paglagyan ang excitement ni Andi na makita na ang kanyang ikatlong anak na isang lalaki.

Ayon kay Andi, kahit kakaiba ang kanyang pagbubuntis ngayon ay wala pa ring paglagyan ang kanyang excitement na makita ang kanyang ikatlong anak. Ang ipinagbubuntis ni Andi ay ang unang lalaking anak niya.

“Along with welcoming 2021, we will also be welcoming another member of the fam, this time, a little happy island boy. Nothing has been the same, comparing my previous pregnancy to this one. This time has been different in so many other ways, but it doesn’t mean we aren’t any less excited because boy, are we thrilled! And we are sure to love our little boy just as much as we love our girls!,” ani Andi.