Napakagwapong anak ni Isabelle Daza na si Baltie may cute reaction sa Halloween pr@nk ng kanyang mommy

Kinaaliwan ng maraming netizens ang video na inupload ni Isabelle Daza sa kanyang Instagram nitong November 1.

Credit: Isabelle Daza Instagram     

Mapapanood sa video ang Halloween pr@nk ni Isabelle sa kanyang napaka-cute na anak na si Balthazar Gabriel o mas kilala rin sa kanyang palayaw na “Baltie”.

Bago kasi ibigay ni Isabelle ang mga candy at mga chocolate kay Baltie ay nagsagawa muna ito ng isang pr@nk.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Isa sa mga pinakasikat na custom o nakagawian na ng maraming bata tuwing sasapit ang Halloween ay magsagawa ng “Trick or Treat” o pumunta sa iba’t ibang kabahayan para manghingi ng candies or chocolates.

Ngunit dahil bawal munang lumabas ang mga bata ngayon bunsod pa rin ng banta ng c0vid kaya sa bahay muna magti-trick or treat ang mga bata.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Ang kanilang mga magulang muna ang magbibigay sa kanilang ng mga candy at mga chocolates.
At naisipan nga ng celebrity mom na i-trick muna si Baltie bago ibigay ang kanyang treat.

Sa video ay maririnig si Isabelle na sinabihan si Baltie na kinain na niya lahat ng mga candy at mga chocolate. Makikita sa video na nalungkot si Baltie nang marinig ang sinabi ng ina. Tinanong nito ang kanyang Mommy Isabelle kung bakit nito kinain ang lahat ng Halloween candies niya.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Sinabi naman ni Isabelle na nagutom umano siya kaya niya kinain ang lahat ng Halloween candies.
Sa simula ay makikita na napakunot-noo na lamang si Baltie at malapit nang umiyak. Pero imbes na magalit sa kanyang Mommy Isabelle o umiyak, biglang nag-walk out nalang ang napakagwapong anak ni Isabelle.

Sa caption ay nagbiro si Isabelle at sinabing kaya umano siya nag-anak para lamang umano maisagawa sa anak ang Halloween pr@nk.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Biro pa ni Isabelle, “I had a child just to play this pr@nk on him “i ate all your halloween candy” (he walked out on me)”

Aliw na aliw naman ang netizens sa kacute-an at pagiging kalmado ni Baltie kahit pa pina-prank na siya ng kanyang Mommy Isabelle. Komento ng netizens:

“He’s a gentlemen even when upset”

“Hahahaha why mom si baby tuloy iiyak na”

Credit: Isabelle Daza Instagram

“Your son is so adorable! His reaction was priceless. Mabait na bata”

“Hahahahha so cute”

Samantala, sa sumunod na letrato na i-pinost ni Isabelle ay makikita naman si Baltie na napaka-gwapo suot ang kanyang Pinocchio Halloween costume kasama ang kanyang daddy Adrien na nagbihis bilang si Gepetto.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Isinilang ni Isabelle ang unang anak nila ng kanyang French businessman husband na si Adrien Semblat noong March 31, 2018.