NBA Superstar na si Damian Lillard, nagpadala ng malaking tulong para sa PGH sa pamamagitan ng kaibigang si Yassi Pressman

Patuloy ang pagbuhos ng tulong para sa Philippine General Hospital (PGH) kasunod nang nangyaring sun0g sa ikatlong palapag nito noong nakaraang May 16.

   Credit: @yassipressman Instagram

Kabilang nga sa mga mabubuting puso na nagpaabot ng kanilang tulong para sa PGH ay ang sikat na NBA champion na si Damian Lillard. Kilala si Damian na naglalaro para sa Portland Trail Blazers sa NBA at tumatayo bilang guard ng kanyang team.

Malapit sa puso ng mga Pinoy si Damian at dalawang beses na rin itong nakapunta sa bansa. Unang bumisita sa bansa si Damian para sa isang charity event noong 2014. Huli naman niyang pagbisita sa bansa ay noong 2016 para sa promosyon ng kanyang ini-endorsong sapatos.

Credit: @damianlillard Instagram

Noong nakaraang Sabado, personal na binisita ni Ang Probinsyano Representative Ronnie Ong at ng aktres na si Yassi Pressman ang PGH upang tingnan ang kasalukuyang sitwasyon nito. Kasabay din ng kanilang pagbisita ay inabot nina Yassi ang tulong na kanilang nalikom at kasama rito ang P1 million na tulong mula sa NBA superstar.

Sa Instagram post ni Ronnie, pinasalamatan niya si Yassi at ang ‘good friend’ umano nitong si Damian. Ayon din kay Ronnie, umabot sa halos P1.5 million ang pinagsamang tulong na nalikom ni Yassi at tulong ni Damian para sa PGH.

Credit: @yassipressman Instagram

Ani Ronnie, “We visited the Philippine General Hospital (PGH) together with our good friend, @yassipressman, to turnover donations much needed by PGH.”

Dagdag niya, “Big thank you to the generous donations of Yassi, Issa, and NBA Star Damian Lillard (a good friend of Yassi) to PGH—amounting to almost Php 1.5-M! 🙏🏻 Always grateful to be surrounded by people with kind hearts.”

Samantala, sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan din ni Yassi si Damian dahil sa ‘generous amount’ na ibinigay nito para sa PGH.

Credit: @yassipressman Instagram

Aniya, “Also, huuuuge thanks to big brother @DamianLillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able help.”

Ibinahagi rin ni Yassi ang kanyang naging karanasan sa pagbisita niya sa PGH. Aniya, saludo siya sa mga medical frontliner at volunteer na hindi nagdalawang-isip na tulungan ang mga sanggol na naapektuhan ng sun0g.

Saad ni Yassi, “Coming to PGH made me deeply appreciate all the nurses, the volunteers, the staff and the mission of the hospital. It was really heartbreaking seeing all of the infants, sobrang saludo po ako sa lahat ng mga tumulong.”

Credit: @yassipressman Instagram

Matatandaang malaki ang pinsala na idinulot ng naturang sun0g lalo na’t nasa nasabing palapag nakalagay ang ilang medical tools at equipment ng ospital. Maliban sa mga kagamitan ay naapektuhan din ang ilang pasyente na malapit lamang sa pinagmulan ng sun0g kabilang nga rito ang mga bagong silang na sanggol na nasa loob ng NICU o Neonatal Intensive Care Unit ng ospital.