Neri Miranda, ibinida ang bagong property na nabili sa Cebu!

Ano nga ba ang nabibigay sa atin ng mga iniidolo nating artista? Marahil ay wala man lang silang kaalam-alam sa ating existence pero may impact pa rin sa atin ang lahat ng kanilang ginagawa. Marahil ay kilig at labis na kasiyahan ang ating nararamdaman sa tuwing natutunghayan o nasasaksihan natin ang favorite nating celebrities sa TV pero maaari rin pala tayong matuto kung paano maging practical at wais kapag si Neri Naig na ang ating tinututukan at sinusubaybayan!

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Kung isang mahusay na aktres ang nakikita natin kay Neri Naig sa tuwing natutunghayan natin siya sa telebisyon, isa naman siyang mapagmahal at responsible na asawa kay Chito Miranda at ina sa kanilang mga chikiting na sina Miggy at baby Cash pero maliban sa kanyang wifey at Momshie duties, abala rin ang aktres sa pagma-manage sa kanilang mga negosyo at pag-iinvest o ‘di kaya’y pag-purchase ng iba’t-ibang properties dahilan kung bakit tinatawag siya ng karamihan bilang ang “wais na Misis”.

Matatandaan nito lamang nang ibinahagi ni Neri sa publiko ang pagkakaroon ni baby Cash ng sariling condo at nito lamang nakaraang mga araw, muli na namang ibinida ng aktres ang pagbili niya ng lupain sa Cebu!

Sa Instagram, ibinahagi ni Neri ang mga larawan sa bago niyang property kung saan ay ikinuwento niya sa netizens na balak umano niyang magtayo ng resthouse pero kinakailangan pa umano niyang mag-ipon kaya todo talaga ang determinasyon niya ngayon na kumayod pa sa trabaho.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Nakabili na kami ng lot sa Cebu! At patatayuan namin ng resthouse pero mukhang matagal pa yun! Mag iipon muna, hihi! Kaya kayod pa talaga nang bongga! More blessings pa, *ahem* calling all agencies and companies dyan, taraaaa! Let’s work together po, hihi! 🤣✌️,” kuwento ng aktres.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Dahil sa matagumpay na venture ni Neri sa business at pagbili ng properties, ibinahagi ng aktres na marami umano ang nakakapagtanong sa kanya kung paano niya nabu-budget ang pera nila nila ng asawa at ibinunyag naman niyang ginagawa niyang araw-araw na goal ang lahat ng gusto niyang bilhin sa pamamagitan ng pagpi-print ng pictures at paglalagay nito sa kanyang “mood board” kung saan niya ito nakikita sa bawat paggising at pagtulog niya. Sa method niyang ito, mas nagiging inspired umano siyang magtrabaho upang makapag-ipon.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Paglilinaw pa ni Neri, hindi umano niya basta-basta lamang na nabibili ang property na ito sa Cebu dahil pinaghirapan umano niya ito ng matindi.

Dahil sa pagiging wais ni Neri, marami talaga ang umiidolo sa kanya dahil sa motivation na naibibigay niya sa kanyang fans na kumayod at magkaroon ng goal sa buhay.