Neri Naig at Chito Miranda, masaya sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya!

May maghahatid na naman ulit ng ngiti sa pamilya ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig!

Credit:Β @chitomirandajr Instagram

Sa hindi pag-aakalang mapapansin ni Neri sa Twitter, halos hindi makapaniwala ang Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda sa katotohanang mag-asawa na sila ngayon at nakabuo na nga ng pamilya!

Taong 2014 nang ikinasal sina Neri at Chito at hanggang ngayon ay nananatili pa ring matibay ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Matapos ang dalawang taon nang sila’y ikasal, sa wakas ay nabuo na ang kanilang pinapangarap na pamilya sa pagdating ng kanilang panganay na si Miguel Alfonso.

Credit:Β @chitomirandajr Instagram

Sa anim na taong pagsasama bilang mag-asawa kasama ang kanilang 4 na taong gulang na anak, muli ay nakatanggap ng blessing sina Neri at Chito nang nalamang ipinagbubuntis ng aktres ang ikalawa nilang anak.

Linggo, Mayo 9 ngayong taon nang ipinagdiwang ni Neri ang “Mother’s Day”. Kasabay ng kanyang selebrasyon bilang isang Mommy, inanunsyo rin ng aktres ang magandang balita na umaasa sila ni Chito na madadagdagan ng bagong miyembro ang kanilang pamilya.

Credit:Β @chitomirandajr Instagram

Matapos ang limang buwan simula nang ibahagi sa Instagram ang magandang balita, sinalubong na rin sa wakas nina Neri at Chito ang pagdating ng kanilang bagong baby na pinangalanan nilang si Manuel Alfonso o kung tawagin nila bilang si “Cash”.

Bilang proud na asawa at ama, hindi napigilan ni Chito na ipahayag ang damdamin sa Instagram kung saan ay ipinakilala niya ang baby boy sa fans at followers.

“Meet Manuel Alfonso Miranda aka Cash 🀟🏼😎❀,” pagpapakilala ni Chito sa ikalawang anak kalakip ng isang “touching” na larawan ni Neri at baby Manuel Alfonso.

Credit:Β @chitomirandajr Instagram

Sa magandang araw na ito ng mag-asawa, kaagad naman na nagpahayag ng pagbati ang netizens, kapwa celebrities, at iilang kaibigan sa industriya ng showbiz.

Isa na nga sa bumati ay ang malapit na kaibigan ng Parokya Ni Egar vocalist na si Bubbles Paraiso na nagkomento ng, “Congrats chits & neri!!”

“Baby cash! Hello!!!!😍😍” komento ni Melissa Ricks.

Credit:Β @chitomirandajr Instagram

“Congratulations!! Welcome to the world Cash πŸ’ͺ🏾πŸ’ͺ🏾πŸ’ͺ🏾,” ayon naman kay Brandon Vera, isang mixed martial artist.

“Congratulations!” sabi naman ni Nene Tamayo.

Ang ex din ni Chito na si Kaye Abad na ngayon ay kasal na kay Paul Jake Castillo ay bumati at nagkomento rin.

Credit:Β @chitomirandajr Instagram

“Congrats!!!!πŸ₯³” pagbati ni Kaye Abad na nireply-an naman ni Chito ng, “@kaye_abad salamat Ate Kay!!!”

Sa simpleng usapan online, nahulog ang loob ni Chito at Neri sa isa’t-isa at ngayon ay masayang namumuhay bilang mag-asawa kapiling ang kanilang mga anak na sina Miguel Alfonso at baby Manuel Alfonso.