Neri Naig at Chito Miranda, pinahanga ang netizens sa kanilang simple ngunit masayang maternity photosho0t!

Matapos i-anunsyo na magkakaroon muli sila ng isang sanggol noong nakaraang Mother’s Day, ibinahagi naman ngayon ng ‘wais misis’ na si Neri Naig ang ilang maternity photos niya kung saan ay nakasama niya ang kanyang mister na si ‘Parokya ni Edgar’ vocalist Chito Miranda.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Makikita sa Instagram account ni Neri ang masasayang litrato nilang magpamilya. Sa pagmamay-aring farm lamang nina Neri at Chito ginawa ang kanilang simpleng maternity shoot.

Ibinalandra ni Neri ang kanyang baby bump sa kanyang suot na simpleng bestida. Base sa caption ng litrato, nasa second trimester na si Neri ng kanyang pagbubuntis.

“Second trimester. Picture picture sa Miranda’s Farm,” caption ni Neri.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Kinunan ng sikat na photography company na Nice Print Photography ang maternity photos ni Neri.
Sa isang litrato ay kasama ni Neri ang kanilang apat na taong gulang na panganay na si Miggy. Ayon kay Neri, excited nang maging ‘kuya’ si Miggy sa kanyang bunsong kapatid.

Blooming na blooming naman si Neri habang katabi niya si Chito na sobrang excited nang makita ang kanilang ikalawang anak!

“Yung ngumiti din si Kuya, Ngiting ngiti na yan,” caption ni Neri sa solo photo nila ni Chito.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Kinatuwaan din ng maraming netizens ang isang litrato na ipinost ni Neri na pinagsamang litrato nila ni Chito noong ipinagbubuntis pa niya ang kanilang unang anak at ngayon na buntis siya sa kanilang bunso.

Talaga namang walang nagbago dahil hanggang ngayon sina Neri at Chito ay masaya pa rin at napaka-sweet sa isa’t isa.

Maraming netizens din ang nakapansin na mas lalong gumanda si Neri ngayon na ipinagbubuntis niya ang kanilang ikalawang anak. Hula ng ilan, isang babae ang ipinagbubuntis ni Neri.

Ngunit sa isang video, mapapanood ang isang simpleng gender reveal na ginawa nina Neri at Chito kung saan ay lumabas na lalaki ang kanilang magiging ikalawang anak!

Dahil dito ay bumuhos ang congratulatory messages para kina Neri at Chito.

“Congrats guys!!!

“another mr. swabe congratulations ate soulie and kuya chits!”

“Wow congrats another boy then girl next”

“Boyyyy again. Congrats”

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Ini-reveal din nina Neri at Chito na papangalanan nilang Manuel “Cash” Alfonso ang kanilang ikalawang baby.