Neri Naig at Chito Miranda, tinulungan ang bagong kasal na napabalitang naloko ng kanilang wedding coordinator

Espesyal at dapat masaya ang pagdiriwang ng bawat mag-asawa sa araw ng kanilang kasal. Ngunit hindi para sa ilan tulad na lamang ng isang newlyweds sa Cebu City. Trending ngayon sa social media ang video ng isang bride na napahagulgol na lamang nang mapag-alaman niyang naloko sila ng kanilang kinuhang wedding coordinator.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Ang video sa bride ay kinilalang si Cherry Purisima na naloko ng kinuha niyang wedding coordinator na nakilala lamang umano niya sa social media.

Batay sa kwento ng bride, pagdating nila sa dapat sana ay venue ng kanilang wedding reception ay nabigla na lamang sila nang wala silang madatnan na reception doon.

Kaya naman mapapanood sa video ang pag-iyak ng bride dahil ang dapat sana’y masayang okasyon para sa kanila ng kanyang groom ay naging isang malaking d!saster.

Mabilis ngang kumalat sa social media ang nakakalungkot na sinapit nina Cherry kung kaya’t bumuhos ang simpatya ng marami. At hindi lamang mga netizen ang nagpaabot ng kanilang simpatya para sa bride at groom kundi ilang celebrities din tulad ng mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda.

Hulog ng langit nga ang celebrity couple para sa mga bagong kasal dahil matapos nilang mapanood ang video ni Cherry na umiiyak ay nag-alok ang mga ito na sila na ang sasagot sa wedding reception ng dalawa.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ng dating aktres at ngayon ay matagumpay na negosyante na sagot na nila ang napurnadang wedding reception ng bride.

“Bilang naging bride din ako, ang pinaka ayaw natin ay mastress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, di tayo dapat binibigyan ng stress. Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako or my partner @jonahcbautista. Kami na bahala sa reception niya,” ani Neri.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Ayon pa kay Neri, mula sa venue ng reception, mga pagkain, wedding giveaways at maging program emcee ay sagot na nila. Magbibigay din umano sila ng ekstrang pera para sa newlyweds.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Malapit lang naman ang @jejusamgyupsal sa lugar nila. Dun na natin ganapin ang reception nyo. Since mahigpit po ang dine in pa rin, mga 20 pax po ang kakasya sa Jeju Samgyupsal Resto po namin sa Cebu. Sagot na rin po namin ang cake, may emcee ka na rin po para may program po ang reception nyo. May pabaon kaming @terra.ph accessories @_veryneri_ beddings @veryneri_sleepwear gift from @saturdaydress para sa bride,” saad ni Neri.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Dagdag niya, “Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo.”