Neri Naig, bongga ang surprise gift sa asawang si Chito Miranda na isang napaka-astig na yate!

Isa sa mga hinahangaan ngayon ng marami pagdating sa mundo ng pagnenegosyo ay ang dating aktres na si Neri Naig.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Bilang isang masipag at wais na misis, patuloy ang pagdami ng mga negosyo ni Neri na itinayo niya katuwang ang kanyang mister na si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda. Sa ngayon, iba’t ibang klaseng negosyo na nga ang naitayo nina Neri at Chito mula sa pagtitinda ng kanyang signature Neri’s gourmet tuyo, mga restaurant hanggang sa resort at resthouse.

Samantala, papasukin na rin ni Neri ang pagpaparenta ng yate. Kamakailan kasi ay niregaluhan ni Neri ng isang yate si Chito para sa kaarawan nito.

Sa kanyang Instagram account, ipinasilip ni Neri ang bonggang regalo niya para sa kanyang mister na aniya, mistulang pinalaki umanong speed boat kaya lang ay mayroon na itong kwarto, maliit na sala at banyo.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Kwento ni Neri, perfect na pang-regalo para kay Chito ang yate dahil mahilig umano sila sa dagat at maging sa pangingisda. At para makabawi sa ginastos nila sa pagbili ng yate ay ipaparenta rin umano nila ito.

“Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise! May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang , pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe!”

Dagdag niya, “Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing! Syempre bilang wais na misis, ipaparent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha! Buti nalang may mga business partners ako dito hehe!”

Pinangalanan na rin nila ang kanilang napakagandang yate hango sa sana’y ipapangalan nila kung naging babae lamang ang kanilang pangalawang anak.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Anong name ng yate? Syempre, “Margarita”! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!” ani Neri.

Sinabi rin ni Neri na plano niyang bumili ng jetski sa susunod ngunit pag-iipunan pa umano niya ito.

“Follow @margaritayacht para malaman nyo soon kung kailan pwede nang i-rent. Stay kayo sa @mirandasbeachcondo tapos rent kayo sa @margaritayacht para mas masaya ang vacation nyo sa dagat. Wala pa kaming jetski, pero balak ko na rin pag-ipunan. Next time muna…sagad na bulsa ko,” pahayag niya.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Samantala, napa-wow naman ang maraming netizens sa bonggang regalo ni Neri para kay Chito.
Komento nila:

“Wow!!! Astiiiiig!!!😃🔥”

“Solid.. Your truly inspirational, idol na kita👏”

“Grabe manregalo – YATE!!!😁💖🔥 well deserved! Happy bday Chito 💖”