Neri Naig, determinadong ma-achieve ang kanyang goal na timbang na ’55 Kilos’ pagkatapos manganak

Talagang walang imposibleng gawin ang celebrity Momshie na si Neri Miranda! Paano nga ba maging ikaw, Mrs. Miranda?

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Sa ilang taong pananatili ni Neri Miranda sa industriya ng showbiz, hindi kailanman naging bago sa pandinig ng publiko ang kanyang pangalan. Sa kabila ng dumadaming baguhang artista ngayon, patuloy pa rin niyang pinapatunayan ang kanyang husay at galing sa larangan ng pag-arte.

Maliban sa pag-aartista, kilala rin si Neri sa mundo ng business dahil sa kahusayan niya pagdating sa pagma-manage ng kanilang ari-arian at mga negosyo. Maganda, wais, at mahusay pa sa business, talagang hindi na kataka-taka kung bakit kaagad na nahulog ang loob ng Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda na siyang ama ng dalawang anak nila ngayon na sina Miguel Alfonso at Manuel Alfonso o kung tawagin nila bilang si baby Cash.

Abala man sa kanyang career bilang isang aktres plus ang pagha-handle pa niya ng kanilang negosyo, malaki pa rin ang pagpapahalaga ni Neri sa kanyang pamilya. Sa katunayan, napakahands-on pa nga niya pagdating sa pag-aalaga sa kanyang mga anak.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Mahigit na tatlong buwan matapos isilang si baby Cash, determinado na ngayon ang aktres sa pag-eehersisyo at pagbabawas ng timbang na na-gain niya noong siya’y nagbubuntis pa lamang. Ibinahagi naman niya sa kanyang followers sa Instagram ang kanyang journey upang ma-achieve ang goal niyang 55 Kilos.

Sa kagustuhan niyang mabawasan ang kanyang timbang, sumabak kaagad si Neri sa mabibigat na activities sa pag-eexercise na humantong sa kanyang pagdudugo kaya naman sa tulong ng kanyang asawa na si Chito, napagdesisyunan ng aktres na mag-start muna sa magaang activity katulad na lamang ng pagwa-walking.

“Pero syempre, need ko pa rin ng disiplina. Dahan dahan lang. Kase 2 weeks ago, nagtry akong mag exercise, more on stretching tapos may planking, ayun, dinug0 ako 😅 kaya sa lahat ng mga bagong panganak, wag biglain lalo na kapag CS 😅 natakot ako but I am ok. Wag madaliin,” pahayag ng aktres.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Dagdag pa niya, “For now walking muna kami sa village. Isa sa umaga, isa sa hapon.”

Bukod sa pag-eexercise, kontrolado rin ni Neri ang kanyang meals. Sa ngayon ay iniiwasan ng aktres ang carbs at sweets na ayon sa kanya ay super hirap i-resist ngunit dahil determinado siyang maibalik ang dating timbang, talagang nagtitiis siya sa pagkain ng prutas at pag-iinom ng tubig.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Marami naman ang humanga sa level ng determinasyon ni Neri lalo na’t nito lamang nang sumailalim siya sa panganganak.