Neri Naig, hinangaan ng netizens dahil graduate na sa kanyang college degree na Business Administration

Wala talagang katumbas ang satisfaction kapag nakakatapos tayo ng pag-aaral. Kahit na’y kumikita na ng malaki at nagmamay-ari naman ng maraming negosyo, ginawa pa rin ni Neri Naig na priority ang kanyang edukasyon at ilang buwan mula ngayon, ga-graduate na nga siya sa kolehiyo!

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Maliban sa pagkakakilanlan ni Neri Naig bilang isa sa mga sikat at mahusay na aktres sa lokal na industriya ng showbiz, kilala rin siya sa mundo ng entrepreneurship dahil sa mga negosyong pagmamay-ari niya. Kahit na’y busy sa kanyang career bilang isang entrepreneur, artista at pagfu-fulfill sa kanyang responsibilidad bilang Mommy sa mga chikiting nila ng asawang si Chito Miranda, nagagawa pa rin ni Neri na makapag-aral sa kursong Business Administration. Sa katunayan, inaasahan na gagradweyt siya ngayong taon.

At dahil sobrang busy ng kanyang schedule, napagdesisyunan ni Neri na mag-enrol sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) noong Marso 2021. Layunin ng programang ito ay makapagbigay-daan at opportunity sa “working professionals” na makakuha ng degree nang hindi dumadaan sa nakasanayang pamamaraan ng pag-aaral sa kolehiyo. Matapos ang mahigit isang taon na pag-aaral, makakamit na rin ni Neri ang inaasam niyang diploma.

Dahil sa achievement na ito ng celebrity Momshie-entrepreneur, ibinahagi ni Neri ang magandang balita sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita ang larawan niya na nakasuot ng toga habang naka-photob0mb naman ang kanyang asawa na si Chito na makwelang naka-peace sign.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Finally ❤,” simpleng caption ng aktres pero kalakip ng natatanging salita na ito ay nag-uumapaw niyang kasiyahan at halo-halong emosyon.

Talagang pambihira ang kakayahan ng isang Neri Naig-Miranda dahil nagagawa niyang pagsabay-sabayin ang lahat ng kanyang ginagawa. Paano nga ba niya ito nakakaya?

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Walang imposible sa isang “empowered woman” at ilang beses na naman itong napatunayan ni Neri. Mula sa pagpapakita niya ng kanyang talento sa pag-arte, pagiging responsable at mapagmahal na Mommy at asawa, at maayos niyang pagma-manage sa lahat ng negosyo na pagmamay-ari, talagang hindi biro ang effort at determination na ibinibigay niya.