Neri Naig, ipinasilip ang kanyang espesyal na regalo para sa sarili at ito ay isang glass house

Maging sa pagpili ng regalo para sa kanyang sarili ay ipinapairal pa rin ng dating aktres at ngayon ay entrepreneur na si Neri Naig ang kanyang pagiging ‘wais misis’.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Bongga ang regalo ni Neri para sa kanyang sarili na hindi isang mamahaling bag o sapatos kundi isang glass house!

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Neri ang ilang larawan ng ipapagawa niyang glass house. Studio-type ang ipapagawang glass house ni Neri na mayroong modern interior design. Makikita sa sentro ng bahay ang isang napakagandang kitchen area.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Ayon naman kay Neri, katas ng kanyang pag-iipon ang ipapagawa niyang glass house. Sinabi pa niyang tiniis niyang hindi regaluhan ng kung anu-ano ang kanyang sarili sa mga nagdaan niyang kaarawan at maging sa Pasko para lamang matupad ang kanyang “dream project”.

Iginiit rin ni Neri na para sa kanyang pamilya at trabaho ang glass house na kanyang ipapatayo. Magsisilbi umano itong mini studio para sa mga gagawin niyang trabaho pagkatapos niyang manganak.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Gift ko na sa sarili ko, ilang birthdays at Pasko rin na di ko binilihan ang sarili ko ng kung ano ano. Para rin naman sa pamilya at trabaho ko ‘to, kaya pussssh ko na ‘to this year! May mga nakapending na trabaho na kailangan ko nang i-shoot after kong manganak. Di na kaya kase this month. Palakas lang ako, then trabaho agad, hihi!” saad ni Neri.

Ibinahagi naman ni Neri na matagal na niyang planong magpatayo ng isang glass house ngunit dahil sa [email protected] ay naudlot umano ito. Kaya nga ngayon, masayang-masaya siya dahil matutupad na ito.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Finally! Matutuloy na ang dream project ko sa bahay…Naudlot kase pandemic at kailangan pag ipunan pa yung pagpapagawa, hehe! Kulang budget eh. One at a time lang mga projects para di magpatong patong ang bayarin at matapos agad,” sabi pa ni Neri.

Excited namang inilahad ni Neri ang mga gagawin niya sa oras na matapos na ang pagpapagawa niya sa kanyang glass house.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Syempre habang bawal pa mag invite ng mga bisita, kami kami muna magluto lutuan sa Glass House. Magpadagdag ako ng oven. Masarap magbreakfast, brunch, lunch, merienda, at dinner dito. Para kang kumain sa labas, hehe!”

“Kase sa garden itatayo ang Glass House. Padagdag lang din ako ng mudroom dahil why not? Haha! Peg ko si Martha Stewart eh, panindigan na. Aayusin din yung garden, minimalist lang para low maintenance at may place ang mga dogs,” dagdag pa ni Neri.

Samantala, sinabi ni Neri na pagkatapos ng kanyang glass house, plano naman niyang magpagawa ng isang laundry area. Ito umano ang kanyang magiging “next project”.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Matatandaang noong September 7 ay masayang nagdiwang si Neri ng kanyang ika-36 taong kaarawan.