Neri Naig-Miranda, proud na ibinida ang kanyang s3xy pregnant body suot ang isang two-piece swimsuit!

Isa ngayon sa mga matagumpay na negosyante sa bansa ang dating aktres na si Neri Naig. Katuwang ang kanyang mister na si ‘Parokya ni Edgar’ vocalist Chito Miranda ay pinapalago nila ang kanilang mga pagmamay-aring negosyo at ari-arian.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Talaga namang hinahangaan at inspirasyon para sa maraming nanay si Neri dahil sa kanyang ipinapakitang sipag at galing sa pagnenegosyo.

Umaapaw naman ngayon ang biyayang dumating sa pagsasama nina Neri at Chito. Maliban kasi sa mga property na kanilang nabili ngayon taon ay biniyayaan din sila ng isa na namang supling ng Maykapal.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Noong Mother’s Day ay ibinalita ni Neri sa lahat ang kanyang pagbubuntis sa bunsong anak nila ni Chito. At sa katatapos lamang nang isinagawa nilang gender reveal ay napag-alaman nilang isang baby boy ang kanilang magiging ikalawang anak.

Samantala, sa kabila ng kanyang busy schedule dahil sa pamamahala ng kanilang mga negosyo ay hindi nakalimutan ni Neri na mag-relax at alagaan ang kanyang sarili.

Kamakailan lamang ay nagbakasyon sa isang wellness resort at hotel sa Lipa, Batangas si Neri na The Farm at San Benito.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Pinusuan naman ng maraming netizens ang kanyang letrato kung saan ay ibinida niya ang kanyang baby bump sa suot niyang two-piece swimsuit.

Sa letrato ay proud na nag-pose si Neri at talaga namang pinuri ng marami ang kanyang blooming at maaliwalas na awra ngayon habang ipinagbubuntis niya ang ikalawang anak nila ni Chito.

Sa caption ay sinabi ni Neri, “Preggy bod [heart emoji] Thank you @lyka.gobal ang sarap ng bakasyon namin”

Ilan sa mga komento ng netizens ay ang pagiging s3xy ni Neri na kitang-kita sa kanyang swimsuit.
Komento ng netizens:

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Beautiful and s3xy buntis!!!!”

“Pretty preggy mom. Stay safe always.”

“Sana all hindi maitim ang kilikili kahit buntis . Ang pretty pa din ms neri”

“Wow sana ganyan kaganda at ka s3xy ang lahat nang buntis”

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“S3xy mommy! Sana all walang stretch marks!”

Matatandaang nauna nang ibinida ni Neri ang kanyang baby bump at pregnant body noong nakaraang Mayo sa isinagawa niyang maternity shoot kasama si Chito at ang panganay nilang si Miggy.

December noong nakaraang taon naman ay masayang ipinagdiwang nina Neri at Chito ang kanilang ika-6 na taong wedding anniversary.