Talagang walang humpay sa pag-aacquire ng iba’t-ibang ari-arian ang aktres at entrepreneur na si Neri Naig dahil nito lamang, muli na naman niyang ibinida ang bagong bili niyang bahay sa Baguio City!
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Maliban sa pagkakakilanlan ni Neri Naig-Miranda bilang isang sikat na aktres at celebrity Momshie, labis din siyang hinahangaan ng karamihan dahil sa pagiging business-minded niya. Talagang pinag-iisapan niyang mabuti ang mga bagay-bagay at sinisigurado na calculated ang lahat ng bibilhing properties.
Matatandaan nito lamang nakaraan nang ibinida niya sa publiko ang binili niyang condo sa Quezon City para sa panganay na anak nila ni Chito Miranda na si Miggy at ngayon, isa na namang rest house sa Baguio ang kanyang na-acquire.
Sa Instagram post ng Momshie entrepreneur, ibinahagi niya ang larawan sa nabili niyang bahay sa Baguio kalakip ng kuwento sa likod ng desisyon niyang ito.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“Our Baguio House ❤😭❤ Finally, may bahay na kami sa Baguio! The HillSide House ❤,” pahayag ni Neri sa unang bahagi ng kanyang caption.
Ayon kay Neri, madalas umano na bumibisita ang kanilang buong pamilya sa Baguio dahil kakabukas lamang nila ng isang Thai restaurant na kung tawagin nila bilang “Lime and Basil” at sa kadahilanang doon siya nakapagtapos sa kanyang kurso na Business Administration.
Pagkukuwento pa ni Neri, matagal-tagal na rin simula nang napagdesisyunan nila ng asawa na magkaroon ng sariling bahay sa Baguio at sa wakas, nakabili na rin sila ng rest house dalawang buwan na ang nakakaraan.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Ngayon na may sarili ng bahay sa Baguio, nais ni Neri na makapag-celebrate ng pasko at bagong taon doon ang kanilang buong pamilya lalo na’t perfect ang klima ng lugar sa nabanggit na occassions.
“Excited na ako na maayusan ng @grupo.santamaria hoping na dito kami makapag Pasko at Bagong Taon,” saad ni Neri.
Abala man sa kanyang work sa showbiz, maayos naman na nababalanse ni Neri ang lahat ng kanyang responsibilities at duties. Sa katunayan, nama-manage pa rin niya ng maayos ang lahat ng kanyang business sa kabila ng pag-aalaga sa mga anak na sina Miggy, Pia at Cash.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Dahil sa pagiging wais ni Neri, talagang marami ang napapahanga sa kanyang capability na mapagsabay-sabay ang kanyang wifey at Momshie duties, career sa showbiz, at pagma-manage ng iba’t-ibang negosyo.