Isa sa mga susi upang maging matagumpay tayo sa buhay ay ang hindi natin paghinto sa pag-aaral. Ang patuloy na pag-aaral ay nakatutulong para mapabuti pa natin ang ating mga sarili at madagdagan ang kaalaman sa mga bagay-bagay.

Kagaya na lamang ng dating aktres na si Neri Naig na patuloy na pinapabuti ang kanyang sarili sa pamamagitan ng patuloy pa rin na pag-aaral ng iba’t ibang bagay at kakayahan.
Matagal nang hindi aktibo si Neri sa pag-arte at ngayon nga ay inilalaan ang kanyang oras sa kanyang pamilya at paggawa ng pangalan sa larangan ng pagnenegosyo.

Kamakailan ay may bagong achievement na naman na natamo si Neri dahil sa kanyang pagpupursige na patuloy na i-improve ang kanyang sarili bilang isang entrepreneur o negosyante.
Proud na nakumpleto ni Neri ang entrepreneurship program na kinuha niya sa sikat at magandang eskwelahan na Harvard University.

Sa kanyang mga social media account ay ibinahagi ni Neri ang kanyang bagong achievement. Nag-post si Neri ng isang larawan kung saan ay hawak niya ang certificate na nagpapatunay na nakumpleto niya ang kursong “Entrepreneurship Essentials” sa nasabing Ivy League School sa Amerika.
Nag-aral si Neri ng apat na linggo sa Harvard Business School Online at sa huli ay masasabi niya na sulit ang lahat ng kanyang puyat dahil sa wakas ay natapos na niya ang entrepreneurship program.

“Sulit lahat ng puyat! 😭 Never stop learning. Kapag gusto, gagawa talaga tayo ng paraan,” ito ang sinabi ni Neri sa caption ng kanyang social media post.
Sa kanyang post, gumamit din si Neri ng isang napaka-makabuluhang quote na nakuha niya mula sa Chief Executive Officer ng “Alumnify” na si AJ Agrawal upang maiparating sa kapwa niya mga negosyante ang kahalagahan ng patuloy na pagkatuto para maging matagumpay.

Saad ni Neri, “Sabi nga ni AJ Agrawal, CEO ng Alumnify, “The best entrepreneurs in the world don’t act like they know everything. They all understand the fact that they have to continuously learn to be successful. For us to live life to the fullest, we must continually look for ways to improve. When we are looking to learn as much as possible, there’s less of a chance that we will come off as arrogant. True charmers don’t make themselves look smart, they make others look smart.”

Samantala, bukod sa pagiging isang negosyante at isang career woman, si Neri ay isa ring mapagmahal na asawa sa asawang si Chito Miranda at hands-on na ina sa kanyang anak na si Miggy.
Taong 2004 nang makilala si Neri bilang isa sa mga kalahok ng Star Circle Quest.