Kilig vibes ang hatid ngayon ng real-life couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa mga netizen. Ito ay matapos ibahagi ni Barbie sa isang Instagram post ang nakakakilig na sorpresang inihanda ni Diego para sa kanya.

Isang romantic set up ang bumungad kay Barbie pagpasok niya sa kanyang kwarto. Pinuno ni Diego ng white balloons, white rose petals, fairy lights, at mga polaroid picture nilang dalawa ang kwarto ni Barbie.
Labis-labis naman ang kaligayahan ni Barbie sa ka-sweetan ni Diego bilang kanyang nobyo. Naiwan ngang speechless si Barbie dahil sa sweet at romantic surprise sa kanya ni Diego.

“Came home to this. Grabe naman. Thank you, grabe ka talaga. you’re the best. Thank you my love @diegoloyzaga,” saad ni Barbie sa caption ng kanyang Instagram post.
View this post on Instagram
Ayon naman kay Diego, simula pa lamang umano ang ginawang sorpresa niya para iparamdam kay Barbie ang kanyang pagmamahal.
Aniya, “This is just the beginning.”

Samantala, hindi naman mapigilan ng mga netizen na mapa-sana all matapos masaksihan ang ginawang sorpresa ni Diego para kay Barbie. Komento ng netizens:
“NAPAKA-EFFORT NI DIEGO!!!!!!! MAPAPA SANA ALL KANA LANG TALAGA”
“AY CHINA OIL!!! so happy for you bie”
“Sana all have a hunk and sweet bf like Diego”
“Grabeh super effort..Kakilig naman sana all love you both”

“wow so sweet ni diego..im happy for you bb girl..love you both”
Maging ang ilang celebrity ay napa-sana all din dahil sa pagiging romantic ni Diego.
Ani Vina Morales, “Awwwwwwwww grabeeeeeeee namannnnn hahahahahaha Sana all love you, happy for you”

Komento ni Joj Agpangan, “Wooow sabay sabay tayo mag-sana all. Loverboy!!! @diegoloyzaga”
Saad ni Maymay Entrata, “Sana all”
Ani Michelle Vito, “Grabe!”

Masaya naman ang ina ni Diego na si TV actress Teresa Loyzaga na masaksihan ang pagmamahalan nila ni Barbie.
Ani Teresa, “When I see you happy, I am happiest!”
Matatandaan na noong Bagong Taon ay kinumpirma ni Diego ang relasyon nila ni Barbie. Sunod namang nag-post si Barbie at sinabing masaya siya dahil nahanap niya kay Diego ang pagmamahal at pagkakaibigan na nararapat sa kanya.