News anchor na si Dano Tingcungco, isa rin palang napakagaling na sapatero!

Paano nga ba napagsasabay-sabay ni Dano Tingcungco ang kanyang passion at trabaho?

Credit: @danotingcungco Instagram

Marahil ay marami sa inyo ang nagulat nang nalaman na sa likod ng imahe ni Dano Tingcungco bilang isang anchor ay ang pagiging shoemaker niya. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang reporter ay isa rin palang sapatero?

Hindi lamang pag-asess ng isang news-worthy na kuwento at paghahatid ng balita sa publiko ang kayang gawin ng nag-iisang Dano Tingcungco dahil kayang-kaya rin pala niyang gumawa ng mga sapatos, isang trabaho na sobrang napakahirap gawin kaya naman karamihan ay sa atin ang napanganga nang nalamang isa pala siyang expert sa larangang ito.

Credit: @danotingcungco Instagram

Ayon nga kay Tingpungco, “reporter sa araw, sapatero sa gabi,” isang duality na hindi inaasahan ng karamihan.

Bilang isang reporter, gawain at responsibilidad talaga nila na makapaghatid ng balita at impormasyon sa publiko upang updated ang lahat sa mga nangyayari sa loob at labas ng ating bansa kaya talagang demanding ng trabahong ito. Dagdagan pa ng pagiging sapatero ni Tingcungco na pareho ring intense, marami ang nagtatanong kung paano nga ba niya nababalanse ang kanyang priorities at oras.

Lumaki si Tingcungco sa pamilya ng mga sapatero kaya talagang pamilyar at sanay na siya sa amoy ng rugby at cement na ginagamit sa paggawa ng sapatos. Dahil lumaki siya habang tinutunghayan ang ilang generation ng kanyang pamilya na gumagawa ng mga sapatos, natuto na rin siya pero hindi niya kailanman pinangarap na maging shoemaker dahil ayon sa kanya, may iba umano siyang nais gawin at ito nga ay ang pagiging reporter.

Credit: @danotingcungco Instagram

Kahit na’y napagtagumpayan niya ang pagiging reporter, pilit pa rin siyang hinihila ng tadhana pabalik sa kanyang kinagisnan hanggang nakahiligan nga niya itong tunay.

“It just pulls you back,” sabi niya. “It’s part of my heritage and it’s something I cannot deny.”

Credit: @danotingcungco Instagram

Pagkukuwento pa ni Dano sa panayam sa kanya ng Philstar, una umano niyang na-realize ang kagustuhan niya sa nasabing craft nang ikinasal ang kanyang mga kaibigan at dahil patuloy na umaangat ang presyo ng mga panregalo, doon siya muling bumalik sa paggawa ng sapatos upang ibigay sa bagong kasal.

“I kind of got the hang of it. I never really imagined myself to be doing this at my age at this time,” pag-amin ni Tingcungco.

Credit: @danotingcungco Instagram

Bakit nga ba kailangang mamili sa dalawa kung maaari naman palang gawin ng sabay? Dahil sa matagumpay na pagbabalanse ni Tingcungco sa kanyang passion at trabaho, talagang hinahangaan siya ng karamihan!