“Ngiti” singer na si Ronnie Liang, pinabilib ang lahat matapos matagumpay na maipasa ang isang exam para maging lisensyadong piloto!

“Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling…”

Credit: @ronnieliang Instagram

Isa ka rin ba sa mga na-LSS sa kanta ng OPM singer na si Ronnie Liang na “Ngiti”?

Sa totoong buhay ay tiyak na mahuhumaling ka talaga kay Ronnie dahil bukod sa kanyang galing sa pagkanta ay isa rin siyang Army Reservists at lisensyadong piloto.

Credit: @ronnieliang Instagram

Matatandaan na noong 2019 ay nakuha ni Ronnie ang kanyang lisensya bilang isang private pilot at nito lamang February 5, masayang ibinalita ni Ronnie na malapit na niyang makuha ang kanyang commercial pilot license.

Naipasa kasi ni Ronnie ang lahat ng knowledge test na kinakailangan para makuha niya ang kanyang lisensya bilang isang commercial pilot.

Credit: @ronnieliang Instagram

Ani Ronnie, “After all of so many sleepless nights of preparation for my exams. Finally I’ve Finished all the knowledge tests required by the Civil Aviation Authority of the Philippines 🇵🇭 (CAAP) as one of the requirements for my License as a Pilot. To God Be All The Glory!”

Credit: @ronnieliang Instagram

Bata pa lamang ay pangarap na ni Ronnie na maging isang piloto, kaya naman maituturing na “dream come true” para sa kanya ang pagkakaroon niya ng lisensya.

Sa isang artikulo na isinulat ng ABS-CBN News, ikwenento ni Ronnie ang kanyang mga pinagdaanan para maabot ang kanyang pangarap na maging isang piloto.

Credit: @ronnieliang Instagram

Kwento ni Ronnie, “It was a childhood dream and ngayon nagma-materialize, we are making it happen.”

Dagdag niya, “Maraming variables, factors para pigilan tayo sa pangarap na ito, pero I just realized that we make our own destiny based on our decisions.”

Credit: @ronnieliang Instagram

Ayon kay Ronnie, nais niyang magsilbing magandang halimbawa sa mga kabataan.

Mahirap lamang daw kasi sila noon ngunit dahil sa kanyang pagsusumikap at hindi pagsuko sa kanyang mga pangarap ay unti-unti niyang natutupad ang noon ay tila napaka-imposibleng bagay. Nais ngang patunayan ni Ronnie na hindi hadlang ang kahirapan para maabot natin ang ating mga pangarap.

Credit: @ronnieliang Instagram

Ani Ronnie, “Gusto ko pong maging magandang halimbawa rin sa mga kabataan na matupad nila ang mga pangarap nila regardless of what’s their status.”

“Kasi kami noon, we are financially broke. Mahirap na mahirap po kami. From there, nangarap ako at nagsumikap. Now, nagpipiloto na po ako and I have my pin na. Makakapag-solo na po ako,” dagdag niya.

Credit: @ronnieliang Instagram

Si Ronnie ay unang sumikat nang sumali at maging finalist siya sa sikat na reality talent search ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy.

Itinanghal si Ronnie bilang second runner-up sa nasabing TV contest habang first runner-up naman ang singer na si Jay-R Siaboc. Sa Pinoy Dream Academy din sumikat si Pop Rock Princess Yeng Constantino na itinanghal naman bilang grand star dreamer.