Nico Bolzico, ikwinento ang mga nakakatawang nangyari sa likod ng Instagram photo ng asawang si Solenn Heussaff!

Bago magtapos ang summer season, nagbakasyon muna sa Palawan ang kinagigiliwan ngayong celebrity couple sa social media na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico kasama ang kanilang anak na si Baby Tili.

Credit: @solenn Instagram

Pinusuan naman ng maraming netizens ang letratong ipinost ni Solenn kuha mula sa kanilang beach getaway sa Palawan kung saan ay makikita ang kanyang s3xy ‘mom body’.

Umani ng maraming reaksyon ang s3xy at h0t photo ni Solenn na kinunan ng kanyang kapatid na si Erwan Heussaff.

Sa kanyang letrato ay nakadapa si Solenn sa buhangin sa ilalim ng isang sanga ng puno ng niyog.
Nagmistulang artwork naman ang letrato ni Solenn dahil sa napakagandang effect ng anino ng sanga sa kanyang katawan.

Credit: @solenn Instagram

Kabilang nga sa mga napa-wow ng letrato ni Solenn ay ang kanyang Argentinian husband na si Nico.

“My Tigresa,” komento ni Nico sa post ni Solenn.

Ibinunyag naman ni Nico ang behind-the-scenes ng pagkuha nila sa naturang letrato ni Solenn.

Sa post ni Nico ay makikitang resulta ng ‘teamwork’ nila ni Erwan at ng asawa nitong si Anne Curtis ang napakagandang letrato ni Solenn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Mapapanood si Nico sa video na hawak ang sangay ng puno ng niyog, si Erwan nagsilbing photographer habang si Anne ang kumuha ng BTS video ng kanilang photoshoot.

Ayon naman kay Nico, tuwing nagbabakasyon sila ay palaging ‘assistant’ ang role niya sa kanilang mga photoshoot habang si Solenn at si Anne naman ang nagsisilbing modelo. Samantalang si Erwan ay ang in-charge sa pagkuha ng mga letrato at video.

“If you enjoyed @solenn last post, you should know the hard work behind the scenes. This video teaches us a a few things,” ani Nico sa caption ng kanyang post.

Credit: @solenn Instagram

Dagdag niya, “1- @erwan is in charge of all the pictures and videos during our travels, the subject varies between @annecurtissmith and @solenn! 2- I am always the assistant.”

Kwento pa ni Nico, hindi sila nagkakaintindihan ni Anne sa nasabing video. Utos kasi niya rito ay kumuha lamang ng letrato ngunit kumuha si Anne ng isang video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Aniya, “The lack of understanding between @annecurtissmith and I is incredible, all this time I was simply asking her to take an horizontal picture, instead she records this vertical “amazing” video (the quality of this video reinforces point 1)”

Sa huli ay proud naman si Nico sa kaseksihan ni Solenn na kitang-kita sa letrato.

Aniya, “My wife is s3xaaay!”

Credit: @solenn Instagram

Tuwang-tuwa nga ang mga netizen sa nakakatawang BTS video na ibinahagi ni Nico na nagpapakita sa kanyang pagiging supportive husband kay Solenn. Komento ng netizens:

“this is hilarious morning laughter is a good morning”

“Hahahahaha ka supportive ba”

“Hahahahahaha!! Nicooooo”

Credit: @solenn Instagram

“Hahahahahaha yessss- but it turn out great in all fairness”