Nikki Gil at asawang si BJ Albert, excited na sa pagdating ng kanilang ikalawang anak!

Hindi mapigilan ni Nikki Gil ang ma-excite sa pagdating ng ikalawang anak nila ng asawang si BJ Albert.

Credit: @nikkigil Instagram

Bagama’t limang taon na ang nakalipas  nang napagdesisyunan ni Nikki na lisanin ang mundo ng showbiz ay patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng kanyang mga fans. Updated pa rin ang mga fans ni Nikki sa mga kaganapan sa kanyang buhay sa pamamagitan ng mga larawan na ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account.

Nito lamang Abril 18 nang unang inanunsyo ni Nikki na ipinagbubuntis niya ang pangalawang anak. Sa unang larawan ay makikita ang kanyang magandang ngiti habang nakahawak sa kanyang tiyan.

Credit: @nikkigil Instagram

Sa ikalawang larawan naman ng parehong post ay makikitang nakayakap sa kanya ang panganay na anak na si Finn.

“Ready, Kuya Finn? 😅🥰❤️,” pagtatanong ni Nikki sa kanyang panganay tungkol sa kung handa na ba ito maging Kuya.

Martes, August 10 ngayong taon nang muling nagbahagi si Nikki ng larawan kasama si Finn na ngayo’y tatlong taong gulang na. Maaalala noong taong 2017 nang isinilang niya ang kanyang panganay na si Finn.

Credit: @nikkigil Instagram

Ayon sa 33 taong gulang na si Nikki ay ine-enjoy umano niya ang oras kasama si Finn bago ito maging Kuya sa kanyang “baby sister”.

Credit: @nikkigil Instagram

“Enjoying my time with this boy before he becomes Manong Finn to his baby sister 🥰,” pahayag ni Nikki sa kanyang caption.

Sa mga bagong post ni Nikki sa Instagram kung saan ay makikitang kasama niya ang kanyang panganay ay masasabing hinahanda niya si Finn na maging Kuya.

Credit: @nikkigil Instagram

Maaalala nitong Hunyo nang nagbahagi si Nikki ng mga larawan kung saan ay makikitang kasama ni Finn ang kanyang babaeng pinsan na si baby Marta, ang anak ng kapatid ni Nikki na si Dani Gil-Librojo. Dito pa lamang ay masasabi ng magiging isang magaling at mabait na Kuya si Finn.

Credit: @nikkigil Instagram

“Preparing for Kuyahood 🥰,” caption ni Nikki sa nasabing post.

Sa pagtigil ni Nikki sa pag-aartista ay naging abala naman siya sa pag-aaral sa pangalawa niyang kurso sa Philippine School of Interior Design.

Credit: @nikkigil Instagram

Nobyembre 2015 nang ikinasal si Nikki sa asawang si BJ Albert sa Sta. Elena Golf Country Club sa Laguna.