Nikki Gil, isinilang na ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Baby Madeline Elle

Unti-unti nang lumalaki ang pamilya ng mag-asawang Nikki Gil at BJ Albert ngayon na dumating na sa kanilang piling ang ikalawang anak.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Bagama’t medyo matagal-tagal naman simula nang huling nakita sa telebisyon at nagpamalas ng kanyang kahusayan pagdating sa pag-arte, patuloy pa rin na sinusubaybayan ng netizens ang mga kaganapan sa buhay ni Nikki kaya nang ibinahagi ang magandang balita sa Instagram, kaagad itong nalaman ng kapwa celebrities at ng kanyang fans na hanggang ngayon ay walang-sawang nagbibigay ng suporta sa celebrity.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Linggo, October 10 nang inanunsyo ni Nikki sa Instagram na isinilang na niya ang kanyang ikalawang anak sa asawa na si BJ Albert, isang businessman.

Sa labis na naramdamang kasiyahan, proud na ipinakilala ni Nikki sa kanyang followers ang baby girl nila ni BJ na si Maddie.

Credit:Β @nikkigil Instagram

“Our little miss Madeline Elle arrived a few days ago πŸ₯°πŸ’• and we’re completely smitten! Thank you Lord for our sweet Maddie πŸ’•πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦,” sulat ni Nikki sa kanyang caption.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Mapapansin naman sa mga mata at ngiti ng mag-asawang Nikki at BJ ang kasiyahang nararamdaman ngayon na nadagdagan ng miyembro ang kanilang pamilya. Talagang walang makakatumbas sa kaligayahang dulot ng isang baby!

Maaalala nito lamang Abril 18 nang unang inanunsyo ni Nikki ang pagbubuntis sa ikalawang anak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan sa Instagram kung saan ay makikitang nasa harap sila ng salamin at may caption na, “Ready, Kuya Finn? πŸ˜…πŸ₯°β€οΈ”

Credit:Β @nikkigil Instagram

Matutunghayan naman sa mga post ni Nikki sa Instagram matapos ang anunsyo tungkol sa kanyang pregnancy ang labis na paghahanda ng kanyang panganay na si Finn sa pagiging Kuya.

“Preparing for Kuyahood πŸ₯°,” pahayag ni Nikki kalakip ng mga larawan ni Finn at ng pinsan nito na si baby Emma, ang baby girl ni Dani Gil.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Bagama’t ilang buwan namang pinaghahandaan ni Finn ang pagiging Kuya, willing pa rin itong matuto upang maging mabuti at responsableng kapatid katulad na lamang kung paano dapat hawakan si baby Maddie.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Sa pinakabagong post ni Nikki sa Instagram, makikita ang ibinahagi niyang mga larawan ni Finn na nakabantay sa kapatid na mahimbing na natutulog sa loob ng crib.

β€œ’Is this how we hold baby gently?’ πŸ˜† so far so good Manong Finn πŸ˜…πŸ’•,” pagre-recall ni Nikki sa tanong ng panganay.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Ngayon na lumalaki na ang pamilya nina Nikki at BJ, inaasahan naman ng netizens ang kanilang “adorable moments” bilang isang masaya at magandang pamilya.