Nikki Gil, masayang ibinalita ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ng kanyang businessman husband!

Isa si Nikki Gil sa mga pinakamalaking pangalan noon sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Siya ay kilala rin bilang isa sa mga pinaka-talentadong artista sa bansa at sumikat bilang isang aktres, mang-aawit, modelo, video jockey at host.

Credit: @nikkigil Instagram

Nang pakasalan naman ni Nikki ang negosyanteng si BJ Albert noong November 2015 ay pinili niyang lumagay na sa tahimik at iwanan ang showbiz.

Ngayon ay ini-enjoy nga ni Nikki ang kanyang tahimik na buhay kasama si BJ at ang kanilang panganay na anak na si Finn.

Ibinabahagi naman ni Nikki sa kanyang mga tagahanga ang mga kaganapan sa kanyang buhay bilang isang full-time na asawa at ina sa social media.

Credit: @nikkigil Instagram

At nitong April 18, ibinalita ni Nikki sa kanyang mga kaibigan at tagahanga ang isang magandang balita. Ito ay ang kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ni BJ.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Nikki ang dalawang larawan kung saan ay makikita ang kanyang baby bump. Kasama rin ni Nikki sa larawan ang kanyang apat na taong gulang na panganay na si Finn na mukhang masayang-masaya habang nakahawak sa tiyan ng kanyang mommy.

Credit: @nikkigil Instagram

“Ready, Kuya Finn?” maikling caption ni Nikki sa kanyang Instagram post.

Binati naman si Nikki ng kanyang mga kaibigang artista tulad nina Rica Peralejo, Lea Salonga, Shaina Magdayao, Luis Manzano, Andi Eigenmann at Pauleen Luna.

Credit: @nikkigil Instagram

Samantala, matatandaang huling napanood sa entablado si Nikki noong 2019 nang gumanap siya bilang bida sa musical na “Carousel” na obra naman nina Richard Rodgers at Oscar Hammerstein II. Ibinahagi rin noon ni Nikki sa press conference ng “Carousel” na hindi niya pinagsisihan na iniwan niya ang kanyang trabaho para tutukan ang kanyang pamilya.

Credit: @nikkigil Instagram

Ani Nikki, “I’m not missing it much yet (laughs). I’m happy with my quiet life. But I do miss work and the people that I used to work with. Of course I kind of grew up in the industry as well so I spent many years with the staff and my fellow artists. I miss the bond but I think I’ve enjoyed that season enough and I’m just enjoying my season now which is motherhood. I’m an interior design student and now theater.”