Ogie Alcasid at couple na si Neri Naig at Chito Miranda, supportive sa pagbuo ni Moira Dela Torre sa bago nitong kanta!

Kakaibang feeling talaga ang hatid ng pakikinig sa music at bagama’t iba-ibang genre man ang gusto ng bawat isa sa atin, hindi naman natin maitatanggi na may soft spot tayo sa mga mellow na music at isa na nga sa mga icon na labis nating ipinagmamalaki ay si Moira Dela Torre na kayang-kaya magparamdam ng matinding emosyon sa pamamagitan ng kanyang relatable na songs.

Credit: @moiradelatorre Instagram

Sa tuwing ibinabalita o nagpapahiwatig si Moira Dela Torre na may bago na naman siyang kanta, magkahalong emosyon talaga ang nararamdaman ng kanyang fans dahil bukod sa kasiyahang madadagdagan na naman ang kasalukuyang playlist ng ating paboriting mga kanta ay mararamdaman din natin ang raw na emotions na matagumpay niyang napo-project pero mukhang wala yatang nakapaghanda sa impromtu na collaboratin ni Moira at ni Ogie Alcasid na isa sa mga iconic na singer-songwriter sa larangan ng musika sa Pinas dahil tunay naman kasing nasa kakaibang level ang kombinasyon ng kanilang talento!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

Sa video na ibinahagi ni Moira sa official niyang Facebook account kumakailan lamang, ipinarinig niya sa kanyang fans ang bago niyang kanta na paniguradong ire-release niya soon pero sa teaser niyang ito, hindi lamang mag-isa si Moira dahil sinamahan at tinulungan lang naman siya ni Ogie Alcasid na nag-offer na tumugtong sa piano.

Credit: @moiradelatorre Instagram

Bago nakilala si Moira bilang isa sa mga talented na singer-songwriter, isa pala siyang fan ni Ogie at kahit na’y pareho namang nasa iisang mundo ngayon, ramdam pa rin ni Moira ang gap sa pagitan niya bilang isang fan at sa iniidolo niyang artist kaya isa talagang “dream come true” ang matulungan ni Ogie sa pagbuo sa kanyang bagong kanta.

“/ finished another song at the alcasids last night w the help of my tito @ogiealcasid who humbly asked me “may i?” and played the piano for me🥹 what a dreaaam. lysm tito ogieeee.❤️‍🔥,” sulat ni Moira sa kanyang caption.

Credit: @moiradelatorre Instagram

Maliban sa touching na lyrics at rhythm sa bagong kanta ni Moira, labis din na humanga ang fans sa collaboration ng dalawang talented at iconic na artists at isa na sa mga ito ay ang couple na si Neri Naig at Chito Miranda na maririnig sa background ng video na todo ang paghiyaw at palakpakan habang pinapakinggan ang dalawang artist na nagpapakitang-gilas sa nakakamangha nilang talento.

Credit: @moiradelatorre Instagram

Dahil dito, mas na-excite pa ang lahat na marinig ang bagong kanta ni Moira lalo na’t isa si Ogie Alcasid sa mga taong tumulong na mabuo at nagbigay ng buhay sa bawat lyric ng kanta.