Ogie Alcasid, ipinasilip ang angking natural na kagandahan ng asawang si Regine Velasquez kahit wala itong make-up at kilay

Madalas mapanood sa telebisyon o makita sa kanyang social media ang singer-actress na si Regine Velasquez na naka-make up.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

Kaya naman noong ipinasilip ng kanyang mister na si veteran singer Ogie Alcasid ang kanyang walang make-up na hitsura kamakailan lamang sa isang YouTube live vlog ay marami ang humanga sa taglay na natural na kagandahan ni Regine.

Proud na ibinunyag ni Ogie sa mga netizen ang bare face ng kanyang misis sa nasabing vlog.
Tila kagigising pa lamang ni Regine nang simulan ni Ogie ang pagvi-video kaya kitang-kita ang kanyang kagandahan kahit walang make-up.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

Fresh at talagang mamula-mula pa ang mga pisngi ni Regine na kapansin-pansin sa video.

Hindi naman alintana ni Regine na makita siya ng marami na walang kilay. Sa katunayan, proud silang nakipagkwentuhan sa kanilang fans at viewers.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

Bumuhos naman ang papuri ng mga netizen para kay Regine dahil sa kanyang taglay na ganda at pagiging blooming kahit walang make-up o ayos. Komento ng netizens:

“Hahaha Song bird is really beautiful even no make up!! Pinkish aping”

“Happy to see Ms Reg so natural na ok lang humarap sa camera without any make up or kahit powder…still pretty”

Credit: Ogie Alcasid YouTube

“Wow! Ang fresh and blooming ni Ms. Reg shookt ang gandaaa!”

“Maganda pa rin c regie idol kahit walang make up. saka true love po yan ganyan proud ako sa mga lalaking ganyan godbless po…”

Credit: Ogie Alcasid YouTube

“Ang ganda pa rin ni Ms. Song birds kahit alang make up”

Umabot naman ng halos 300K ang nakapanood sa live streamed ni Ogie sa kanyang YouTube channel.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

Isa sa mga pinakamahusay na mang-aawit sa Philippine showbiz industry si Regine. Siya ay binansagan bilang ‘Asia’s Songbird’ dahil sa kanyang natatanging husay sa pagkanta at pagbirit.

Noong 2010 ay matatandaang ikinasal si Regine sa kapwa niyang singer-songwriter na si Ogie Alcasid. Sa sumunod na taon ay isinilang naman ni Regine ang unico hijo nila ni Ogie na si Nathaniel James.

Credit: @ogiealcasid Instagram

Sa kasalukuyan ay bahagi si Regine at Ogie sa Kapamilya Sunday variety show na “ASAP Natin ‘To”.