Ogie Diaz: “Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang”

Isa si Ogie Diaz sa mga sikat at tinitingalang komedyante sa lokal na industriya ng showbiz. Sa mahabang panahon, isa siyang source ng happiness dahil hindi talaga siya kailanman nauubusan ng nakakaaliw at nakakatawang mga kuwento. Marahil ay sa kanyang experience, alam na alam na niya kung paano paaganin ang mabibigat na damdamin ng karamihan at mapalitan ito ng positibong vibes.

Credit: Ogie Diaz Facebook

Bukod sa kanyang abilidad sa pagpapatawa at pagbibigay ng kasiyahan, kinabibiliban din siya dahil sa kanyang maalagang character at mabuting attitude lalo na sa treatment niya sa kanyang hina-handle na showbiz stars katulad na lamang ni Liza Soberano na matagal-tagal din niyang ginabayan sa career nito bilang isang aktres.

Hindi lamang dito natatapos ang kabutihan ng isang Ogie Diaz dahil walang ni isang issue o reklamo ang kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz kaya talagang deserve niya ang lahat at bawat magagandang bagay na nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

Credit: Ogie Diaz Facebook

Hindi naman maitatanggi na mahirap ang buhay sa mundo ng showbiz ngunit sa loob ng 35 taon, napagtagumpayan naman ni Ogie ang kanyang career at naisasabay pa nga ang pagiging isang talent manager. Dahil sa kanyang dedication sa trabaho, deserve na deserve talaga niya na makatanggap ng reward.

Sa latest na post ng komedyante-talent manager sa kanyang official na Facebook post, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan ay makikita siyang nakatayo sa parking lot katabi ng isang magara at kulay berdeng Lamborghini. Sa caption, ikinuwento ni Ogie ang pinakabago niyang achievement.

Of course, dahil sa kanyang larawan katabi ng isang mamahaling sasakyan, marami talaga sa netizens ang nag-assume na ang lamborghini ang tinutukoy niyang achievement dahilan kung bakit natuwa ang karamihan sa witty at pa-suspense na pagkaka-organize ni Ogie sa kanyang caption.

Credit: Ogie Diaz Facebook

“Saka deserve ko rin naman ito. Bugb0g na yung luma ko. Naghihingalo na, ika nga, kaya dapat nang bumili ng bago. Namili ako kung anong kulay. Merong red, yellow, black, white, silver. Ang tagal ko pang nag-decide,” pahayag niya.

Dahil sa pagbanggit niya sa salitang kulay “green,” hindi talaga masisisi na marami ang nalinlang pero sa huling bahagi ng caption ni Ogie, ibinunyag niya na charger pala ang kanyang tinutukoy!

Credit: Ogie Diaz Facebook

“Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang. Mapapansin agad ang bago kong biling charger,” aniya.

Kung noong unang tingin sa larawan ay ang lamborghini ang unang napansin, kaagad naman na lumipat ang mata ng netizens sa bitbit na charger ni Ogie.