OPM icon na si Kitchie Nadal, ipinasilip ang apartment nila ng kanyang Spanish husband sa Madrid, Spain

Matapos pakasalan ang kanyang Spanish husband na isang journalist noong 2015, masayang nakatira ngayon sa Spain ang OPM singer-songwriter na si Kitchie Nadal o Anna Katrina Nadal sa tunay na buhay.

Credit: Kitchie Nadal YouTube            

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, ibinabahagi ni Kitchie ang simple ngunit masayang buhay niya sa Spain kasama ang kanyang asawang si Carlos Lòpez at ang kanilang tatlong taong gulang na anak na si Keon.

Credit: Kitchie Nadal YouTube

Kamakailan ay ipinasilip ni Kitchie sa isang apartment tour vlog ang tinitirhan niya at ng kanyang pamilya sa Madrid, Spain.

Dahil Christmas season ngayon, kaya naman highlight sa kanyang vlog ang kanilang Christmas tree na pinalamutian nila ng mga larawan ng kanilang pamilya na nasa malalayong lugar.

Credit: Kitchie Nadal YouTube

Ani Kitchie, “Itong Christmas tree kaka-set up lang namin at nilagyan namin siya ng photos ng family namin abroad, ‘yung mga hindi namin masyadong nakikita from the US, the Philippines and Australia.”

Credit: Kitchie Nadal YouTube

Bukod pa rito, kapansin-pansin din ang napakaraming family memorabilia na nagbibigay buhay sa kanilang apartment.

Credit: Kitchie Nadal YouTube

Parehong “minimalist” sina Kitchie at Carlos kaya wala masyadong gamit na makikita sa kanilang apartment.

Ibinahagi rin ni Kitchie na sinisigurado nila ni Carlos na bilhin lang ang mga gamit na talagang magagamit nila para umano ay maging “clutter-free” o hindi makalat ang kanilang tahanan.

Ani Kitchie, “Kung mapapansin niyo wala kami masyadong gamit, kasi parehas kami ni Carlos na minimalist. Gusto lang namin ng konting bagay sa bahay. Hindi kami basta-basta bumibili. Talagang pinag-iisipan naming maigi kung ito ba ay kailangan sa bahay o hindi. Kasi ayaw naming mag-accumulate ng mga gamit.”

Credit: Kitchie Nadal YouTube

Ikwenento rin ni Kitchie na pareho sila ng kanyang asawa na naka-work-from-home set up kaya naman mahalaga talaga na malinis ang kanilang bahay para maayos silang makapagtrabahong dalawa.

Credit: Kitchie Nadal YouTube

“Parehas kami ni Carlos na nagtatrabaho sa bahay, so kapag ang bahay ay cluttered, parehas kaming hindi maka-work at makapag-concentrate. So it’s important for us to have space and to be able to organize the house easily, especially mayroon kaming three-year-old son,” saad ni Kitchie.

Credit: Kitchie Nadal YouTube

Samantala, ibinunyag din ni Kitchie sa kanyang vlog na simula nang manirahan siya sa Spain ay natuto na siyang magluto.

Credit: Kitchie Nadal YouTube

Sa katunayan, ibinida pa niya ang ilang Spanish food na alam niyang lutuin.

Pagbubunyag ni Kitchie, “So dito sa Spain, dito na ako natutong magluto. Marunong akong magluto. Natuto lang. May mga Spanish food na rin akong alam like Tortilla de Patatas, mga Carrillada, Croquetas…”

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, hinandugan ni Kitchie ang kanyang mga subscriber ng isang Christmas song.

Credit: Kitchie Nadal YouTube

Kinanta at tinugtog ni Kitchie ang sikat na kanta ni Mariah Carey na “O Holy Night”.

Credit: Kitchie Nadal YouTube

Taong 2000 nang mag-umpisang sumikat si Kitchie bilang isang OPM artist. Kabilang sa mga sumikat niyang kanta ay “Bulong” at “Huwag Na Huwag Mong Sasabihin”.