Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagsubok na naranasan simula nang nag-umpisa ang p@ndemya. Marami naman sa mga hinahangaan nating celebrity ang gumawa ng mga malalaking desisyon at pagbabago sa kanilang buhay ngayong panahon ng p@ndemya.
Credit: @jaya Instagram
Kagaya na lamang ng OPM singer na si Jaya na ibinahagi kamakailan ang mga susunod niyang hakbang sa kanyang buhay. Kasama na nga rito ang desisyon niyang umalis sa bansa para bumalik sa Amerika.
Sa isang panayam para sa online show na Grateful Tuesdays, sinabi ni Jaya na gusto niyang magpahinga muna at sumubok ng mga bagong bagay.
Nilinaw naman ni Jaya na magtatrabaho pa rin naman siya lalo na at pwede na niyang gawin ang kanyang trabaho online.
Credit: @jaya Instagram
Ani Jaya, “Sa ngayon po gusto ko po sana kahit papaano magpahinga. Hindi ko alam ‘yung feeling ng pahinga. But still with some type of work. Ito nga, sabi ko, ang saya. Natiyempo ‘yung online. Pwedeng gawin ‘yan.”
Ayon kay Jaya, hindi biglaan ang pagdedesisyon niya na umalis sa Pilipinas ngunit isa ito sa mga plano niya. Dagdag pa ni Jaya, nauna nang umalis ang kanyang mister na si Gary Gotidoc papuntang Amerika kasama ang kanyang stepson.
Saad ni Jaya, “Sa akin po ‘yung pag-alis, hindi po ito agad-agad. Pero plano po ‘yun talaga kasi nauna na po ‘yung asawa ko.”
Credit: @jaya Instagram
Para naman sa “Queen of Soul”, magandang panahon ito para magsimula ng bago at sumubok ng ibang bagay.
Aniya, “A lot of people would understand [that] I’m 51 in a few weeks and napakarami ko pa ding gustong gawin na ibang bagay, not just singing. And right now, everything is kind of slow and down. So good opportunity to start something fresh.”
Samantala, sa panayam naman ng Pep.ph kay Jaya, ibinunyag niyang binenta na nila ang pagmamay-ari nilang lupa sa Tarlac City. Ang pera naman na nakuha nila mula sa pagbebenta ng nasabing lupa ay nakatulong upang makaalis ang kanyang pamilya at makapagsimula sa Amerika.
Credit: @jaya Instagram
“Two days before they leave, nagkaroon ng sale. Napakamura lang pero nagkaroon ng sale. May lupa kaming nabenta, they were able to go,” kwento ni Jaya.
Dagdag niya, “You know, God had better plans. He made us sell the property, nagbayad the same day, that was January 5. January 7, they departed.”
Nagpapasalamat naman si Jaya sa Panginoon dahil naging maayos ang paglipat ng kanyang pamilya sa Amerika.
Credit: @jaya Instagram
“They were able to find a job 22 hours later and they were able to find a home to rent na ang laki-laki, ang ganda-ganda na parang pwede ba nating bilhin yun someday? Hindi naman binebenta but you know, He provides,” ani Jaya.
Matatandaang noong April 2020 ay isinugod sa ospital ang mister ng singer matapos itong makaranas ng mild str0ke.