OPM singer na si Sitti Navarro, ibinahagi ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ng kanyang mister na itinuturing nilang “miracle baby”

Isa na namang celebrity ang nakatanggap ng isang panibagong biyaya mula sa Panginoon at ito ay ang mahusay na OPM singer na si Sitti Navarro o mas kilala lamang bilang ang bossa nova singer na si ‘Sitti’.

Credit: @bossagurl Instagram

Dumagdag si Sitti sa napakaraming celebrities na nabuntis ngayong panahon ng p@ndemya. Ipinagbubuntis ngayon ni Sitti ang ikalawang anak nila ng kanyang mister na si Joey Ramirez.

Inanunsyo ni Sitti ang kanyang pagbubuntis sa kanyang Instagram account kung saan ay ibinahagi niya ang isang litrato na nagpapakita sa kanyang baby bump.

Para kay Sitti, isang “surprise gift” at “miracle” mula sa Panginoon ang kanyang ipinagbubuntis dahil sa kabila ng pagkakaroon niya ng P0lycyst!c Ov@ry Syndrome (PCOS) at antiphospholipid syndrome (APAS) ay nagawa pa rin niyang mabuntis.

Credit: @bossagurl Instagram

“Our pasalubong from Bacolod 😆 our surprise gift from the Lord 👶🏻 I have PCOS and APAS; conceiving is not the easiest,” sulat ni Sitti sa caption ng kanyang post.

Dagdag niya, “Thank You Jesus for entrusting us with another miracle 🤍🙏🏼”

Sa isa namang hiwalay na post ay inamin ni Sitti na noong una ay wala siyang balak na i-anunsyo sa lahat ang kanyang pagdadalang-tao.

Ngunit napagtanto umano niyang ang lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa kanyang buhay ay dapat lang na ibahagi sa iba sa hangaring makapagbigay ito ng pag-asa at inspirasyon sa lahat.

Credit: @bossagurl Instagram

Aniya, “To be honest, I didn’t really want to announce this pregnancy. I didn’t want to make a fuss 😅 but then I realized that the good things that happen in my life are not really just for me, they’re meant to be shared with others too especially if it gives them hope.”

Patunay din daw ang kanyang pagbubuntis na walang imposibleng bagay sa Panginoon.

Ani Sitti, “And that’s what this baby gave us. A reminder that even if I had these chr0nic d!seases (PC0S and APAS) that make it hard to conceive and keep a baby, God CAN work around it and give us His miracle. And if He can do it for us, He can certainly do it for you! You who have been waiting for that baby blessing for a long time.. for truly, nothing is impossible with Him.”

Sa huli ay pinayuhan ni Sitti ang lahat na huwag tumigil sa pagdadasal at magtiwala lamang sa Panginoon dahil darating din ang araw na ipagkakaloob nito ang mga bagay na ipinagdadasal natin.

Nakatakdang manganak si Sitti ngayong darating na Oktubre. Ikinasal sina Sitti at Joey noong 2015. Noong 2018 naman ay winelcome nila ang kanilang unang anak na si Lily.