Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa, excited na sa pagdating ng kanilang ika-5 anak na isang baby boy!

Maituturing na isang malaking biyaya para sa bawat mag-asawa ang isang supling. Madadagdagan naman ang lumalaking pamilya ng celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto dahil kumpirmadong buntis ang dating aktres sa kanilang ika-5 anak.

Credit:Β @khsotto Instagram

Unang inanunsyo nina Kristine at Oyo Boy ang magandang balita noong December 2020, isang buwan bago nila ipagdiwang ang kanilang 10th wedding anniversary. At nito lamang March 23, nalaman na nila ang kasarian ng kanilang ika-5 anak.

Sa isang Instagram post, excited at masayang ibinahagi ni Oyo na isang lalaki ang ipinagbubuntis ngayon ng kanyang misis.

Ayon kay Oyo Boy, ipinagdasal umano nila sa Panginoon na isang babae ang ipinagbubuntis ni Kristine ngayon. Gayunpaman, sila ay lubos pa rin na masaya at nagpapasalamat dahil sa bagong sanggol na pinagpala ng Panginoon sa kanilang pamilya.

Credit:Β @khsotto Instagram

Ani Oyo Boy, “It’s a boy! Again! Hahahaha!!!πŸ˜‚ Thank you Lord!❀️ We were really praying for a girl.. pero ito ang binigay ng Panginoon.❀️ Babae man o lalaki, we are more than grateful to God.😊 He knows and controls everything.”

Biro naman ni Oyo Boy na baka may kasunod pa ang kanilang ika-5 anak dahil hindi pa rin natutupad ang kanilang dasal na isang baby girl.

Aniya, “So paano na Lord? Ibig ba sabihin may kasunod pa ito???πŸ˜… P.S. pinag malaki nya talagang lalaki sya sa second picture πŸ˜‚”

Samantala, dasal naman ni Kristine na ang kanilang ika-5 anak ay maging malusog at normal.

Credit:Β @khsotto Instagram

“Always grateful for every blessing ❀️ For a healthy & normal baby boy πŸ‘ΆπŸ» hindi pa man nasasagot ang baby girl na dasal ni Dre, madami pa din nasagot si God sa mga dasal namin at kahit pa yung mga bagay na hindi namin ipinagdasal,” ani Kristine.

Dagdag niya, “He always has His reasons and His perfect time. Napakabuti mo, Lord. πŸ™πŸ»β€οΈ”

May mensahe rin si Kristine sa kanyang nag-iisang anak na babae na si Ondrea na isa sa talagang nagdasal na magkaroon siya ng kapatid na babae.

Ani Kristine, “So Dre, continue praying and believing that one day God will answer your prayer.. pero kung hindi man mapagbigyan, I’m sure God will give you all that you need to embrace being the only baby girl in the family..”

Credit:Β @khsotto Instagram

Sina Kristine at Oyo Boy ay ikinasal noong January 11, 2011. Sa parehong taon, ipinanganak ni Kristine ang kanilang panganay na biological child na si Ondrea Bliss. Taong 2011 din nang inampon nila ang kanilang anak na si Kristian Daniel.

Ang kanilang ikatlong anak na si Kaleb Hanns ay isinilang naman ni Kristine noong 2014. Habang dumating naman ang kanilang ika-4 na anak na si Marvin Valentin II noong 2016.

Umulan naman ng congratulatory messages para sa pamilyang Sotto mula sa netizens sa pagdating ng kanilang panibagong baby boy.