Oyo Boy Sotto, may sweet na regalo sa kanyang misis na si Kristine Hermosa at anak na si Ondrea nitong Araw ng mga Puso!

Mula noon hanggang ngayon, isa ang aktor na si Oyo Boy Sotto o Vittorio Mari Bonnevie Sotto sa tunay na buhay sa mga tinitingala at hinahangaang artista sa mundo ng pag-arte sa Pilipinas.

Credit: @khsotto Instagram

Maraming beses nang pinatunayan ni Oyo Boy ang kanyang husay sa pag-arte na mukhang minana pa niya sa kanyang mga magulang na parehong mga mahuhusay na artista.

Si Oyo ay ang panganay na anak ng “Eat Bulaga” host na si Vic Sotto sa kanyang dating asawa na si TV actress Dina Bonnevie.

Bata pa lamang ay ipinamalas na ni Oyo Boy ang kanyang talento sa pag-arte. Ilan sa mga pinagbidahan niyang palabas sa telebisyon ay “Ang Darling Kong Aswang”, “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” at “Daddy’s Gurl”.

Credit: @khsotto Instagram

Bukod sa pagiging mahusay na aktor, hinahangaan din si Oyo Boy ng marami dahil isa siyang mapagmahal at maalagang asawa at ama.

“Happy Wife” ngang maituturing ang dating aktres na si Kristine Hermosa dahil isang butihing asawa si Oyo Boy.

Matatandaan na ikinasal sina Oyo Boy at Kristine noong 2011. Madalas namang makita sa mga ibinabahagi nilang litrato at video sa kani-kanilang social media ang kanilang masaya at puno ng pagmamahal na pagsasama.

At dahil buwan ng mga puso, hindi nakalimutan ni Oyo Boy na bigyan ang kanyang napakagandang asawa ng isang bouquet ng magagandang bulaklak para iparamdam dito ang kanyang pagmamahal.

Credit: @khsotto Instagram

Maliban kay Kristine, may isa pang babae na nagpapasaya kay Oyo Boy. Ito ang kanilang anak na babae ni Kristine na si Ondrea na niregaluhan din niya ng mga bulaklak.

Ipinost ni Kristine sa kanyang Instagram account ang mga litrato nila ni Ondrea hawak ang bulaklak na regalo sa kanila ni Oyo Boy.

Sobrang tamis ng mga ngiti na makikita sa mukha nina Kristine at Ondrea matapos supresahin ni Oyo Boy.

Credit: @khsotto Instagram

Inihayag naman ni Kristine sa caption ang kanyang labis na pagmamahal at pasasalamat kay Oyo Boy dahil sa pagmamahal na ipinapakita nito sa kanila.

Ani Kristine, “My forever 🙏🏻❤️ I thank the Lord for you every single day. @osotto Thank you for leading us and showing your love for all of us in your own unique way. 😘 I LOVE YOU.”

Noong nakaraang December 2020, masayang ibinalita nina Oyo Boy at Kristine na inaasahan nila ang kanilang baby number 5.

Credit: @khsotto Instagram

Bukod kay Ondrea Bliss, ang celebrity couple ay may tatlo pang anak na sina Kristian Daniel, Kaleb Hanns, at Marvic Valentin ‘Vin’ II.