Pag-iisang dibdib ni Wilma Doesnt at Gerick Parin, ipinasilip sa publiko!

Dumating na rin ang araw na labis na pinakahinihintay ng couple na si Wilma Doesnt at Gerick Parin dahil nito lamang Marso, ipinangako na nila ang kanilang sarili sa isa’t-isa.

Credit: @doesntwilma Instagram

Nakahanap na ba ng tunay na pag-ibig ang lahat? Dahil si Wilma Doesnt, masaya na ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz na partner na si Gerick Parin. Tunay nga na kahit minsan nang nabigo, hindi naman imposible para sa isang tao na muling makakahanap ng pag-ibig na walang katumbas.

Sa maraming taon na pananatili ni Wilma sa industriya ng showbiz, hindi rin naging madali ang kanyang journey patungo sa kasikatan dahil kinailangan din niyang maghirap upang makamit ang lahat ng tinatamasa niya ngayon. Maliban sa pagiging aktres, labis din na kilala si Wilma sa pagiging comedienne at modelo simula pa noong dekada 2000’s hanggang ngayon.

Credit: @doesntwilma Instagram

Sa ilang taon niyang pagbibigay ng kasiyahan at katatawanan sa kapwa celebrities at fans, oras na rin para kay Wilma na makaramdam ng tunay na kasiyahan para sa sarili. Matapos ang mahigit walong buwan simula nang ma-engage si Wilma kay Gerick, sumapit na rin ang araw na labis nilang pinakahinihintay at ito ay ang kanilang wedding na ginanap lang naman sa isang engrandeng venue sa Tagaytay!

Ayon sa mga larawang kuha ng kanilang guests at iilang malapit na mga kaibigan sa kani-kanilang social media, makikita at masasabi talaga na super engrande at napakamagical ng mismong wedding at reception!

Credit: @doesntwilma Instagram

“Congratulations ter 🎉 We love you both 😘,” pagbati ni Angelu De Leon na present din sa espesyal na araw ni Wilma at Gerick.

Dahil sa natural niyang pagiging komedyante, expected at hindi talaga nawala sa kanilang kasal ang tawanan at biruan. Sa katunayan, sumayaw pa nga ang couple sa sikat na sayaw ngayon sa Tiktok na Paro-Paro G.

“Isa sa masayang kasalan na nadaluhan ko, tatawa at iiyak ka Dahil dama mo yung Love nila sa isat-isa. Mabuhay Ang Bagong Kasal!!!! Congratulations, Jerick & Wilma,” sulat ng Artist Circle sa caption kalakip ng ibinahagi nilang mga larawan na kuha sa kasal ni Wilma at Gerick.

Credit: @doesntwilma Instagram

Ano pa ba ang mas ikasasaya ng puso bukod sa katotohanang sa wakas ay ikinasal na rin kayo ng taong labis mong minamahal at nais na makasama sa habangbuhay? Congratulations, Wilma Doesnt at Gerick Parin!