Pag-rescue ni Joshua Garcia kay Jane de Leon matapos makaranas ng ‘wardrobe malfunction’, umani ng paghanga mula sa netizens!

Taun-taong ginaganap ang Kapamilya Christmas special kung saan nagsasama-sama ang malalaking pangalan sa showbizness. At kabilang sa mga inaabangan ng maraming manonood ay ang iniidolo nilang love teams.

Credit: @imjanedeleon Instagram

Sa katatapos naman na Christmas special ng Kapamilya network, isa sa pinag-usapan ay ang bagong loveteam ngayon na sina Jane de Leon at Joshua Garcia. Ito ay matapos sa pagtatapos ng palabas, na-spottan ng maraming manonood ang pagyakap ni Jane sa leeg ni Joshua.

Mabilis namang nakunan ng screenshot ng fans ng dalawa ang eksena at marami ang kinilig dahil sa tila sweet gesture na ipinakita ni Jane kay Joshua na leading man niya sa upcoming “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.”

Bagama’t hindi maikakaila ang ka-sweetan at ‘chemistry’ nina Jane at Joshua bilang magka-loveteam sa mga litrato, ang hindi alam ng fans ay sinagip pala ni Joshua si Jane na nang mga sandaling iyon ay nagkaroon ng “wardrobe malfunction.”

Mapapanood sa isang video clip na masayang kumakanta at sumasayaw sina Jane at Joshua sa kanilang Christmas station ID na “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa” hanggang sa sumunod na tagpo ay makikita ang pagyakap ni Jane sa kanyang sarili.

Larawan sa mukha ni Jane ang pagkabigla habang hawak ang kanyang dress. Kitang-kita rin na nagkatinginan sila ni Joshua bago mabilis na lumapit ang huli sa kanyang partner.

Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube

Ang hindi nga alam ng maraming manonood na napigtas pala ang strap ng dress ni Jane dahilan kung bakit sa mga sumunod na sandali bago matapos ang show ay nakayakap siya sa leeg ni Joshua.

Nabunyag lamang ang totoong dahilan ng pagyakap ni Jane kay Joshua pagkatapos ngang mag-viral ang mga litrato ng dalawa at mag-post si Jane sa kanyang Twitter account.

Sa kanyang tweet, ibinunyag ni Jane na kaya siya nakayakap kay Joshua ay dahil nasira ang kanyang dress. Labis-labis nga ang pasasalamat ni Jane kay Joshua dahil sa pagtulong nito sa kanya.

Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube

Pahayag ni Jane, “Thank you @iamjoshuagarcia for helping me cover my wardrobe malfunction!”

Samantala, maraming netizens ang hindi lamang kinilig kundi humanga rin sa pagiging matulungin at gentleman ni Joshua kay Jane. Komento nila:

“oooowwwhhh such a gentleman naman josh!”

Credit: @garciajoshuae Instagram

“Awww very good ka jan Josh Blue heart”

“awww how gentleman”

“sobrang kinilig ako sa inyo.Waaaah!!! Naka ilang beses ko inulit ung yakapan na yan. Ganyan tlaga c joshua napaka gentle man”