Pagchichikahan ng mga anak nila Anne Curtis at Solenn Heussaff na sila Dahlia at Thylane, pinusuan ng netizens!

Hindi man naiintindihan, napa-cute pa rin tingnan at pagmasdan kapag abala sa kanilang sariling mundo ang mga baby dahil bukod sa pagiging adorable ay nagmimistulan din silang adults.

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Isa si Anne Curtis at Solenn Heussaff sa mga sikat at talagang hinahangaang celebrities sa industriya ng showbiz at kahit hindi man kabilang sa mundo ng entertainment ang kanilang asawa na sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico ay kilala naman sila sa napili nilang larangan.

Bilang mga sikat na personalidad sa industriya, talagang sinusubaybayan at tinututukan sila ng netizens kahit nasa likod man ng kamera kaya naman exposed din ang kanilang mga anak sa mata ng publiko.

January 1 noong taong 2020 isinilang ni Solenn ang anak nila ng kanyang asawa na si Nico, isang Argentine businessman samantala March 2 naman sa parehong taon dumating si baby Dahlia Amelie sa buhay ng kanyang mga magulang na sina Anne at Erwan.

Credit: @nicobolzico Instagram

Marahil ay sa hindi nagkakalayo nilang agwat sa edad, talagang madali lamang para kay baby Thylane at Dahlia ang magkaunuwaan kaya bukod sa pagiging magpinsan ay matalik din silang magkakaibigan!

Nang unang nagkita, tila’y nag-click kaagad ang dalawa. Parehong pabibo at nag-uumapaw ng cuteness, talagang hindi mahirap para sa netizens na maaliw sa magpinsan. Maliban dito, mukhang namana rin ni baby Thylane Katana ang pagiging mapagbiro ng kanyang Daddy Nico habang kuhang-kuha naman ni baby Dahlia ang pagiging madaldal ng kanyag Mommy Anne.

Sa ibinahaging maikling video ni Nico sa kanyang Instagram stories, mapapanood na abala sa paglilinis si baby Thylane gamit ang vacuum habang hindi naman siya tinatantanan ng kanyang nakababatang pinsan na si baby Dahlia.

Credit: @nicobolzico Instagram

Kung seryoso sa ginagawa si baby Thylane, wala namang pigil sa pagsasalita si baby Dahlia ng isang language na mukhang sila lamang dalawa ang nakakaalam.

“Chika chika while cleaning,” sulat ni Nico sa mismong video.

Hindi man naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa, maririnig naman sa video ang labis na pagtawa ni Nico.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na kinagiliwan ng netizens ang magpinsan na si baby Thylane at Dahlia dahil marami na rin silang napasaya at napatawa sa nakaraang videos nila na ibinahagi ng kani-kanilang mga magulang sa social media.

Credit: @nicobolzico Instagram

Sa relasyon ni baby Thylane at Dahlia ngayon, masasabi talaga na mas magiging malapit pa sila sa isa’t-isa sa paglipas ng panahon, hindi lamang bilang magpinsan kung hindi ay bilang mag-bestfriend din!