Paggamit ni Rica Peralejo ng pekeng designer bag, naging sentro ng talakayan online

Madalas nating makita o mapanood sa mga social media account ng ating mga iniidolong celebrity ang naggagandahan nilang mga bag na kung minsan ay umaabot sa milyon ang halaga.

Marami sa mga kilalang artista ngayon ang ibinibida ang kanilang mga designer o mamahaling bag na kadalasan ay “reward” nila para sa kanilang sarili dahil sa pagsisikap nila sa pagtatrabaho.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Ngunit kamakailan isang kilalang aktres ang lantarang inamin na isang counterfeit o pekeng designer bag ang kanyang ginamit sa kanyang ipinost na litrato sa Instagram.

Mainit nga na pinag-usapan online ang pag-amin ng aktres na si Rica Peralejo na pekeng designer bag ang gamit niya na makikita sa kanyang ipinost na litrato.

Sa isang Instagram post nitong January 15, makikita si Rica suot ang kanyang simple ngunit napaka-classy na longdress.

Sa kanyang kamay nga ay nakasabit ang isang designer bag na inamin naman niya sa caption na “fake” at ibinigay lamang sa kanya.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Sulat ni Rica sa caption, “On me: Francesca in utility grey from our #mumxrpbcollection_01, face shield natural, mask din, sandals from @uniqlophofficial, and my fake LV bag,”

Sinabi rin ni Rica sa kanyang caption na hindi siya mahilig sa mga “branded” bag.

Ayon kay Rica, sa halip na bumili siya ng mga mamahaling bag ay ipapambili na lamang umano niya ang kanyang pera ng “tent”.”

Credit: @ricaperalejo Instagram

Ngunit ginamit umano niya ang nasabing pekeng bag dahil nagustuhan niya ito dahil “bagay” umano ito sa lahat at “kasya” rin ang lahat ng gamit niya rito.

Ani Rica, “But, okay, someone gave me this, and when I used it… Bongga! It did the job! I love the tote-ness of it. It’s so… tote-ful? It is like a bayong na bagay sa all at kasya all.”

Credit: @ricaperalejo Instagram

Gayunpaman, matapos mag-trending online ang paggamit niya ng isang pekeng bag at naging punto ng talakayan ng maraming tao, tinanggal ni Rica ang kanyang orihinal na post dahil napansin umano niya sa mga balita na lumalabas na marami ang nadagdag sa kanyang unang sinabi.

Sa kanyang updated post, nilinaw din ni Rica na hindi niya pino-promote ang paggamit ng mga peke at mamahaling bag.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho bilang isang writer si Rica. Abala rin si Rica bilang isang full-time mom sa kanyang dalawang anak at bilang maybahay sa kanyang asawa na si Joseph Bonifacio.