Nagpapakilig ngayon sa milyun-milyong netizens ang young actor na si Joshua Garcia sa video sharing app na TikTok.
Credit: @johnarcilla Instagram
Talaga namang walang palya sa pagbibigay ng ngiti at kilig sa maraming kababaihan ang Kapamilya actor dahil sa kanyang mga nakakaaliw na TikTok video.
Lingid sa kaalaman ng lahat, kamakailan lang ay pumalo na sa mahigit 100 million ang nakapanood sa first-ever TikTok video na in-upload ni Joshua na bersyon niya ng “Ginseng Strip 2002” challenge.
Matapos namang mag-viral ang nasabing TikTok video ni Joshua ay ginawa na rin ito ng maraming netizens kabilang na ang mga kilalang celebrities kagaya na lamang ng beteranong aktor na si John Arcilla.
Credit: @johnarcilla Instagram
Kinaaliwan nga ng netizens ang bersyon ni John ng “Ginseng Strip 2002” kung saan kuhang-kuha niya ang mga galawan ni Joshua. Mula sa pagtakip ng mukha, tila nagpapa-cute na ngiti, pagkumpas ng kamay, at maging ang pagtakip ni Joshua sa camera sa huling bahagi ng challenge ay kopyang-kopya ni John.
Biro naman ni John sa caption ng kanyang video, siya naman daw na “tatay” ni Joshua ang bigyan ng “100 million views” ng netizens. Aliw!
Caption ni John, “Tatay naman ni Joshua ang pa-hundred milyunin niyo ah.”
@johnarcilla4fpun Tatay naman ni Joshua ang Pahandred Milyunin nyo ah 😝😝😝🙄😂😂😂✌️#fyp #thankyou2Mfollowers #angprobinsyano #heneralluna #hagorn #johnarcilla ♬ original sound – John Arcilla
Pumatok naman sa netizens ang TikTok video ni John at sa ngayon ay mayroon na itong mahigit 1.3 million views.
Samantala, napuno ng mga nakakaaliw na komento ang comment section ng TikTok post ni John. Karamihan sa mga laughtrip na mga komento ng netizens ay kaugnay sa mga iconic role at linya ni John sa mga pelikula at teleseryeng kanyang pinagbidahan. Narito ang ilan sa kanila:
“NAGTITIKTOK PALA SI HAGORN”
Credit: John Arcilla Tiktok
“Hipolito umamin kana ikaw tatay ni Joshua”
“Heneral, tiktok o digmaan, pumili ka”
“Masusunod po heneral”
“heneral luna nag titiktok na”
Credit: John Arcilla Tiktok
Si John ay kilala dahil sa kanyang kahanga-hangang galing sa pag-arte. Higit siyang nakilala ng mga manonood dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang “Heneral Luna” sa pelikulang Heneral Luna at “Hagorn” sa fantaseryeng Encantadia. Sa kasalukuyan ay bahagi si John ng longest running action series sa Philippine TV na “Ang Probinsyano” kung saan gumaganap siya bilang Renato “Buwitre” K. Hipolito.