May mga bagay na nagagawa o nasasabi ang bawat isa sa atin na nakakaapekto sa relasyon natin sa ibang tao. Dumadaan ang panahon na unti-unti ding naghihilom ang naging sugat at kalaunan ay nagiging maayos din ang nasirang relasyon.
Credit: @diegoloyzaga Instagram
Katulad ito sa malungkot na nangyari sa mag-amang Cesar Montana at sa kanyang anak kay Teresa Loyzaga na si Diego. Nagsimula ang kanilang di pagkakaintindihan noong taong 2017 nang biglaang nagpost si Diego sa social media ng mga hindi magandang bagay patungkol sa kanyang ama at sa pakikitungo nito sa kanya. Kasama sa mga ipinost ni Diego ang mga napakong pangako sa kanya ng kanyang ama.
Nito lamang Marso ay marami ang natuwa nang magpost si Diego ng isang letrato na kasama ang kanyang ama. Dito ay humingi ng tawad si Diego sa mga nasabi niya noon sa ama.
Credit: @diegoloyzaga Instagram
“7 years is a l0ng time for a s0n n0t to see his father. After seven years, after mistakes, G0d made a way to bring us t0gether again. I apologise f0r the impulsiveness of my y0uth,” pasimulang sinabi ni Diego sa kanyang post.
Sinabi din ng aktor na kung maibabalik lamang niya ang mga nasayang na panahon at mabawi ang mga masasakit na salita na sinambit niya sa kanyang ama ay gagawin niya ito.
Credit: @diegoloyzaga Instagram
“If we c0uld take back the w0rds and the distance and the time wasted, i w0uld.”
Sinabi ni Diego na masaya siyang makita muli at makasama ang kanyang ama pagkatapos ng pitong taon. Bukod pa dito ay nakalaro din niya ng basketball ang kanyang ama.
Credit: @diegoloyzaga Instagram
Sa isang hiwalay na Instagram post ay nagupload ng mga letrato si Diego kung saan ay makikitang masaya silang magkakasama nila Cesar at kanyang mga kapatid na sila Angelina, Sam, at Chesca.
Credit: @diegoloyzaga Instagram
“Fun fun fun family daaaay w Maestr0 and the twins 👯♀️👯♂️👬”
Sa post din na iyon ay nagkomento ang dating asawa ni Cesar Montano na si Sunshine Cruz at sinabing masaya siyang makitang magkakasama muli ang mag-aama.