Nito lamang Biyernes, June 4 ay ipinaalam ni Bianca ang publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang paglipat niya kasama ang asawa at dalawang mga anak sa bago nilang bahay. Ipinasilip niya rin ang kanilang bagong nilipatan na bahay na hinangaan ng kanyang mga fans at pati na rin ng ibang showbiz celebrities at iilang kasamahan niya sa trabaho.
Credit: @superbianca Instagram
“Finally HOME! Beyond grateful,” sabi ng television host ayon sa kanyang post.
Simpleng litrato lamang ang kanyang pinost sa Instagram kung saan nakaupo silang mag-asawa sa couch ng kanilang maluwag at magandang sala kasama ang dalawang anak. Makikita naman sa kanilang mga mukha na talagang masaya sila sa kanilang paglipat.
Credit: @superbianca Instagram
Bumuhos naman ang mga komento ng mga kaibigan ng mag-asawa sa industriya, ang iba ay galing sa kasamahan ni Bianca Gonzalez sa trabaho, at karamihan naman sa mga bati ay galing sa kanyang mga followers.
Nagkomento lamang si Angel Locsin ng simpleng “❤” at si Angelica Panganiban naman ay nagkomento ng “Beautiful.”
Credit: @superbianca Instagram
“Congratulations! I’m sure you will make beautiful memories,” pagpapaabot ng mensahe ni Charo Santos.
Noon pa ma’y nagpahiwatig na si JC Intal na magtatayo sila ng pangalawang bahay ayon sa post niya sa kanyang Instagram account noong June 2019 kung saan yakap niya ang kanyang asawa at isang anak sa bagong kakasimula na pagpapatayo pa lamang ng kanilang bahay.
“Moving from North to South,” saad ni Intal sa kanyang post.
Credit: @superbianca Instagram
June 1, Martes ay ibinahagi na ng former bastketball player ang isang larawan sa kanyang Instagram account kung saan yakap niya ang asawa at parehong nakaupo sa hagdan ng kanilang bagong bahay.
“We did it,” simpleng caption niya at binanggit ang instagram account ng asawa.
Dahil sa p@ndemya at para na rin sa kaligtasan ng pamilya ay virtual blessing lamang ang naganap na pinangunahan ni Fr. Tito Caluag na naging saksi umano sa mga malalaking kaganapan sa buhay ng mag-asawa, ayon sa instagram story ni Bianca.
Credit: @superbianca Instagram
“We love you Fads @titocaluag thank you for being part of every single milestone in our family’s life! From college to work days, our wedding, blessing of our former home, kid’s baptism, and now blessing of our 2nd home.”
Ngayon na nakalipat na sila sa bago nilang bahay ay bubuo ulit sila ng bagong mga alaala at pupunuin ang bawat sulok ng masasaya at magigiliw na mga sandali.