Pagwi-window shopping ng napaka-cute na anak ni Andi Eigenmann na si Lilo sa Siargao, kinaaliwan ng marami!

Balik sa kanilang payak at masayang pamumuhay sa mala-paraisong isla ng Siargao ang pamilya ng aktres na si Andi Eigenmann. Matapos ang walong buwan na pananatili sa Maynila ay masaya si Andi dahil sa wakas balik-isla na sila ng kanyang fiancè na si Philmar Alipayo kasama ang kanilang mga anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.

Credit: Happy Islanders YouTube

Siyempre, mapapanood na rin sa mga vlog ng “Happy Islanders” ang kanilang mga karaniwang ginagawa sa isla.

Mapapanood nga sa “A Day In Our Island Life” vlog episode ng Happy Islanders ang pagbo-bonding nilang magpamilya kasama ang kanilang mga kaibigan sa isla.

Credit: Happy Islanders YouTube

Habang tumatambay sa tabi ng daan at ini-enjoy ang napakagandang sunset kasama ang mga kaibigan ay kumain sina Andi at Lilo ng masarap na Salvaro.

Credit: Happy Islanders YouTube

Sa sumunod na araw ay namasyal sina Andi sa isla at nagpunta sila sa isang tindahan para mag-window shopping.

Credit: Happy Islanders YouTube

Kasama ni Andi na nag-window shopping ang kanyang napaka-cute na anak na si Lilo. Kinaaliwan nga ng kanilang mga tagahanga si Lilo na tutok at talagang enjoy sa pamimili ng iba’t ibang damit.

Nang makapili na ng kanyang swimsuit ay pumunta sa harap ng isang salamin si Lilo para tingnan kung bagay ba sa kanya ang kanyang napili.

Credit: Happy Islanders YouTube

Kitang-kita sa vlog na mas pinapagaan at pinapasaya ni Lilo ang buong lugar at mga tao sa kanyang paligid dahil sa kanyang kakulitan.

Pagkatapos naman nilang mag-window shopping ay sumugod sina Andi sa beach para magtampisaw at maka-bonding ang ilang kaibigan nila sa isla.

Credit: Happy Islanders YouTube

Masaya rin na nakipaglaro si Lilo kasama ang kanyang mga kaibigang bata sa isla. Nakasama naman ni Andi na nagtanghalian ang kanyang panganay na si Ellie na katatapos lamang sa kanyang online class.

Para naman sa kanilang afternoon activity ay naglakad-lakad sina Andi at Philmar kung saan ay ipinasyal nila ang kanilang dalawang buwang gulang na anak na si Baby Koa.

Credit: Happy Islanders YouTube

Makikita rin sa vlog ang masayang paglalaro nina Lilo at Ellie kasama ang ibang bata sa isla.
Sa katunayan, enjoy na enjoy si Lilo habang naliligo sa mababaw na bahagi ng dagat.

Credit: Happy Islanders YouTube

At nang pumatak na ang gabi ay pinagsaluhan nina Andi, Philmar, Ellie at Lilo ang nahuling alimango ng kanilang kapamilya.

Dito na nga nagtatapos ang masayang araw ng pamilya ni Andi sa isla ng Siargao. Simple lamang ang bagay na ginagawa nina Andi sa Siargao ngunit halatang labis itong nagbibigay ng kaligayahan sa kanilang pamilya.