Pambansang Kolokoy, inireveal na ang babaeng nakasama niya sa kanyang “GIRL FRIEND” vlog!

Tapos na ang pagma-Maritesan dahil winakasan na ni Pambansang Kolokoy ang isyung pumapalibot sa kanyang “mysterious girl friend” na featured sa nakaraan niyang vlog!

Credit: Pambansang Kolokoy YouTube

Matatandaang isa ang Pinoy vlogger na si Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy sa mga celebrity na pinag-usapan ng publiko noong nakaraang taon dahil sa controversial na separation nila ng kanyang asawa na si Marites Mondina matapos ang 20 taon nilang pagsasama kaya marami talaga sa netizens ang labis na naintriga sa babaeng tinutukoy ni PK na bago niyang partner na pinili niyang huwag munang pangalanan.

Sa vlog na in-upload ni PK recently ay mapapanood na may kasama siyang babae pero hindi ito nakilala ng netizens dahil sa suot nitong sunglasses at mask ngunit marami ang naghinala na may pagkakahawig at pagkakapareho ng boses nito sa dating “Eat Bulaga” host at komedyanteng si Gladys “Chuchay” Guevarra.

Kung noo’y rumor lamang na si Gladys nga ang babaeng kasama ni PK sa “GIRL FRIEND” nitong vlog, kaagad naman itong nakumpirma nang ibinunyag ni PK sa pinakabago niyang vlog na si Gladys nga ang babae sa likod ng sunglasses at mask!

Credit: Pambansang Kolokoy YouTube

Of course, kakagaling lamang ni PK sa isang controversial na isyu kaya marami talaga ang bumato ng negatibong mga komento kay Gladys at isa na nga sa mga natanggap niyang paratang ay ang pagiging “kabit” at siya umano ang babaeng ipinalit ni PK sa dati nitong asawa na si Marites Mondina ngunit kaagad naman itinanggi ng komedyante dahil sa kanyang FB post nito lamang bago, mariin niyang itinanggi ang accusations na ito.

“O shoutout sa mga nagpapaka NBI hahaha? Kumusta? May nakuha ba kayong mga ebidensya? Para sa inyo to . . . Mukha ba akong nanganak? 😂🤣🤣 Yan tayo eh! Huwag padalos dalos sa pagbintang mga kapitbahay. Tinawag mo nako’ng kabit wala ka naman alam,” depensa ni Gladys sa kanyang sarili.

Credit: Pambansang Kolokoy YouTube

Bagama’t marami man ang nagsasabi na para “content purposes” lamang ito at simpleng collaboration lamang ang kanilang ginawa, hindi naman maitatanggi ang nag-uumapaw na chemistry ng dalawa.