Panganay na anak ng aktres na si Roxanne Guinoo, graduate na sa elementarya!

Kahit gaano man kagusto ng mga ina na pabagalin ang paglipas ng panahon upang mas ma-cherish pa ang paglaki ng kanilang mga anak, hindi talaga nila ito napipigilan kaya talagang nakatutok ang mga Momshie sa bawat growth at improvement ng kanilang mga chikiting.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Isa si Roxanne Guinoo sa mga kilalang aktres sa kanyang henerasyon dahil sa kanyang exemplary na talento sa pag-arte. Dahil sa kanyang angking kagandahan, nabihag din niya ang puso ng isang businessman na si Elton Yap na siyang asawa niya at ang ama ng tatlo niyang mga anak na sina Reine, Sophia, at Reilly.

Nasa kalagitnaan ng kanyang kasikatan, mas pinili ni Roxanne na pansamantalang lisanin ang showbiz upang ituon ang kanyang undivided na atensyon at oras sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang lumalaking mga anak.

Matatandaan na nito lamang nakaraang taon nang official siyang bumalik sa showbiz matapos ang mahaba-haba niyang break. Kahit na’y busy ngayon lalo na’t bumibida siya sa iWantTFC series na “Hoy, Love You!” kasama ang kanyang onscreen partner na si Joross Gamboa, nagagawa pa rin ng aktres na makapaglaan ng oras sa kanyang pamilya.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Kahit na’y isang working Mommy, talagang sinisigurado ni Roxanne na present siya sa lahat at bawat achievement ng kanyang mga chikiting lalo na sa mismong araw ng graduation ng kanyang panganay na si Reine sa elementary.

Bilang isang proud Mommy, nagpahayag ng kasiyahan at saloobin si Roxanne sa Instagram kung saan ay ibinahagi niya kung gaano siya ka-proud sa anak kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan ni Reine at ng kanilang buong pamilya.

“Happy Graduation to our dearest daughter, Reine,” pahayag ng aktres sa unang bahagi ng kanyang caption.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Dagdag pa ng proud Roxanne, “I am so proud of the person you are and how you do your best in everything. Always remember that I will always be here every step of the way to support and cheer for you.”

Nag-iwan din ng advice ang aktres sa anak kung saan ay pinaalalahanan niya ito na ang mabuting katangian at genuine na puso ay mangingibabaw sa lahat ng achievements.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Maliban kay Roxanne, marami rin sa netizens ang halos hindi makapaniwala sa mabilis na paglipas ng panahon dahil parang kailan lamang simula nang pinasok ng aktres ang mundo ng showbiz at ngayon, Mommy na siya sa tatlo niyang mga anak!