Panganay na anak ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, nagmistulang Barbie sa kanyang 2nd birthday pictorial

Naging masaya at makulay ang ika-2 taong kaarawan ng panganay ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na si baby Shiloh.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Game na sumabak sa isang creative photo sh0ot si baby Shiloh kasama ang kanyang Mommy Rochelle at Daddy Arthur.

Ibinahagi ng Nice Print Photography sa kanilang Instagram page ang ilan sa mga nakakatuwang larawan ng pamilyang Solinap na kinunan mula sa birthday photo shoot ni Baby Shiloh.

Hango mula sa sikat na fashion doll na “Barbie” ang konsepto ng birthday photo sh0ot ni Baby Shiloh. Kikay na kikay at nagmistulang isang tunay na barbie doll si Baby Shiloh sa kanyang Barbie-inspired all-pink outfit.

Napaka-cute at adorable din ni Baby Shiloh habang nagpo-pose sa loob mismo ng isang malaking barbie doll box.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Ayon pa kay Rochelle, isang “Barbie Girl” umano si Baby Shiloh sa kanyang mundo.

Tunay ngang isang regalo si Baby Shiloh sa kanyang mga magulang dahil labis ang saya na kanyang dala sa buhay ng mga ito.

Samantala, isang birthday message ang isinulat ng dating “S3xb0mb dancer” para kay sa kanyang Baby Shiloh.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Halo-halong emosyon nga ang nararamdaman ni Rochelle sa mabilis na paglaki ng panganay nila ni Arthur.

Ani Rochelle, “Maligayang kaarawan anak! Wala akong masabi, maiiyak lang ako. Dalawang taon ka na. Ang bilis!”

Dagdag ni Rochelle, “Ibang klaseng saya ang ibinigay mo sa min. Binago mo ang buhay namin ng Daddy mo. Ikaw ang mundo namin.”

Credit: @niceprintphoto Instagram

Hiling naman ni Rochelle para sa kaarawan ng kanyang anak na lumaki itong isang mabuting tagasunod ito ng Diyos.

Ani Rochelle, “Ang tanging hiling ko lang ay maging good follower ka ni God sa iyong paglaki. Mahal na mahal ka namin anak!”

Credit: @niceprintphoto Instagram

Dagdag pa ni Rochelle, “Kapag marunong ka nang magbasa, alam kong darating ang panahon na mababasa mo din ang mga messages namin sayo. Sana ay kiligin ka pa din katulad ng kiliti ko sayo dyan. 😘 #2nasiShiloh #Shilohtotoona2”

Isinilang ni Rochelle si Baby Shiloh noong February 26, 2019 sa pamamagitan ng caesarean section.
Ikinasal naman ang Kapuso couple noong August 2017 sa Tagaytay City.