Panganay na anak ni Valerie Concepcion na si Heather, isa nang ganap na dalaga!

Para sa mga magulang, parang kahapon lamang nang una nilang nahagkan ang kanilang anak kaya sa tuwing nagkakaroon tayo ng realization na unti-unti na nilang pinapasok ang adulthood, magkahalo talaga ang emosyon an kanilang nararamdaman.

Credit: @v_concepcion Instagram

Unang nakilala si Valerie Concepcion nang napili siyang maging host sa “Wowowee” at “Pilipinas Win na Win” pero sa buong career niya sa showbiz, hindi lamang limited sa hosting ang kaya niyang gawin dahil pinatunayan din niya ang kanyang sarili sa pag-arte dahil mapabida o kontrabida man ay talagang naaagaw niya ang atensyon ng mga manonood.

Sa kasikatang tinatamasa ni Valerie sa maraming taon niyang pamamalagi sa showbiz ay hindi naman niya kailanman inilihim sa publiko ang pagkakaroon niya ng anak sa edad na 16 pero dahil sa pagkakaalam niya kung gaano ka-harsh ang mundong ito ay mas pinili niyang huwag masyadong i-expose sa media si Heather Fiona pero hindi naman niya tuluyang pinuputol ang connection ng anak sa showbusiness. Sa katunayan, maya’t maya lang naman siya sa pagbabahagi ng mga larawan at pagbibigay ng update tungkol sa buhay ng anak sa kanilang fans.

Credit: @v_concepcion Instagram

Sa ating pagkakatanda, chikiting pa lamang ang panganay na anak ni Valerie kaya laking gulat talaga ng karamihan ngayon nang nalaman nila kumakailan lamang na 18 taong gulang na pala ngayon si Heather!

Sa magkakasunod na update ng aktres sa Instagram, makikita ang iilang mga larawan na kuha mula sa debut ni Heather kung saan ay kahit intimate lamang ang kanilang naging celebration ay makikita namang bongga ang decoration at mahahalatang pinaghandaan talaga ang lahat.

“Last weekend, we had an intimate celebration for my daughter Heather Fiona’s 18th birthday. ❤ Sharing with you some of our photos from that memorable night as my baby girl officially became a lady,” sulat niya sa kanyang caption.

Credit: @v_concepcion Instagram

Of course, sa special na event sa buhay ng kanyang panganay na anak, hindi talaga pupwede para kay Momshie Valerie na palampasin ang lahat nang walang sweet at heartfelt na mensahe para kay Heather: “Welcome to adulthood, anak ko! 🤗 we love youuuuuu!!!😘”

Suot ang kulay pink na tulle dress samahan pa ng kanyang perfect na makeup ay nagmukha talaga siyang mini-version ng kanyang Mommy Valerie dahil sa malaki nilang pagkakahawig.

Credit: @v_concepcion Instagram

Ngayong isa nang ganap na dalaga si Heather Fiona, mas lalo lamang na lumitaw ang kanyang kagandahan kaya hindi na talaga kataka-taka kung balang-araw ay susunod din siya sa yapak ng kanyang Mommy Valerie at pasukin din ang mundo ng pag-aartista.