Panganay na anak nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla, pinahanga ang netizens sa kanyang bigay todo na pagkanta!

Isa si Mariel Rodriguez sa mga mahuhusay na host sa Philippine showbiz industry. Noong 2010 ay pinakasalan niya ang action star na si Robin Padilla. Biniyayaan naman sila ng dalawang magagandang anak na sina Maria Isabella at Gabriela.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Ang panganay na anak nga nila na si Isabella ay agaw atensyon ngayon sa social media. Umani ng maraming papuri mula sa netizens si Isabella pagkatapos niyang ipamalas ang kanyang angking galing sa pagkanta.

Nitong June 8 ay ipinost ni Mariel ang video ng singing performance ni Isabella sa kanyang Instagram.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Mapapanood sa ibinahaging video ni Mariel ang pagkanta at pagbirit ni Isabella sa sikat na theme song ng Disney movie na “Mulan” na “Reflection”.

Sa kanyang murang edad at batang boses, kamangha-mangha ang pagkanta ni Isabella dahil nagawa niyang tamaan ang ilang matataas na nota ng kanta.

Bukod dito ay sinabayan din ni Isabella ng iba’t ibang emosyon ang kanyang pagkanta habang nililipad ng hangin ang kanyang buhok. Talagang kahit bata pa lamang ay makikitaan na ng potensyal sa pagkanta si Isabella.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Samantala, malaki rin ang potensyal ni Isabella sa pag-arte lalo na dahil sa kanyang puno ng emosyon na singing performance. Maliban dito ay kapansin-pansin din ang taglay na natural na ganda ni Isabella sa naturang video.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Kaya naman hindi maiwasan ni Mariel na ipagmalaki ang kanyang munting ‘singer’ sa lahat. Maging ang mga netizen ay nakikita rin ang talento sa pagkanta ni Isabella. Anila, may future sa mundo ng pagkanta ang panganay na anak nina Mariel at Robin. Komento nila:

Credit: @marieltpadilla Instagram

“I think she can be the next Alex Gonzaga she can be funny. Wait till she grows up.”

“Wow beautiful face with a beautiful voice”

“She is sooo…you. Good job baby! The future Mulan…in fairness, marunong siya mag-adjust sa high notes.”

Credit: @marieltpadilla Instagram

“Wow in fairness Ms Mariel nasa tono!! But she got your guts…Bravo”

“Bravo Isabella!! you are a potential broadway actress! Showbiz is in your genes…but I hope you make your education your priority”

Taong 2016 nang isilang ni Mariel si Isabella sa Delaware sa Amerika.